top of page
FRANKLY - ANAK NI PATRICK, LALONG NA-BASH AT NA-BULLY-IG _onlypatrickgarcia.jpg

Horoscope | February 1, 2022 (Martes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 1, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 1, 2022



Sa may kaarawan ngayong Pebrero 1, 2022 (Martes): Kabilang ka sa mapapalad na nilalang. Dahil sa pagsisikap mo, bibiyayaan at tatanggap ka ng mga espesyal na regalo mula sa langit.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maluwag at walang mabibigat na pagsubok ang landas ng buhay na iyong lalakaran dahil nagpasya ang langit na hawiin at alisin ang mga balakid na ito. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-20-31-33-37-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pasasayahin ka ng langit. Ibibigay Niya ang mga kailangan mo na matagal mo nang gustong makamit at mangyari. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-10-14-21-25-35.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang magdududa sa ginagawa mo sa kasalukuyan. Ang anumang pag-aalinlangan ay hindi makabubuti. Maging positibo ka sa lahat ng bagay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-18-21-25-30-37.

CANCER (June 21-July 22) - Lalapitan ka ng nakatanggap ng utos mula sa langit na ikaw ay gawing bahagi ng kanyang buhay kung saan kapwa n’yo matitikman ang maraming suwerte at masasayang karanasan sa buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-19-22-25-34-45.

LEO (July 23-Aug. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Hilingin mo na sa langit ang pinakagusto mo. Kahit imposible o mahirap itong mangyari, gagawa ng paraan ang langit upang sumaya ka sa araw na ito. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-18-20-27-41-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumilos ka nang masaya kahit kunwari lang. Magugulat ka dahil talagang sasaya ka. Gawin mo at hindi ka makakapaniwala, pero tiyak na ito ay magkakatotoo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-18-21-29-31-34.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumuha ka ng lakas sa mga pinagdaanan mong pagsubok sa buhay. Makakaasa ka na kahit gaano kabigat ang problemang iyong makakaharap, ito ay iyong malalagpasan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-19-23-38-41-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Linisin mo ang iyong kuwarto at magugulat ka dahil ang naggagandahang kapalaran ay biglang dadapo sa iyo. Gawin mo na ito ngayon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-11-19-20-25-31.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano ka, ‘yun ang iyong ipakita. Sa ganitong paraan, ang magagandang kapalaran ay mag-uunahang pumasok sa iyong buhay at magtutuloy-tuloy ang iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-28-29-33-38-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Harapin mo ang mga pagsubok, ganu’n lang ka-simple. Kapag hinaharap mo ang mga ito, hindi ka naman talaga mapapalaban dahil kusa silang mag-aalisan sa buhay mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-18-22-26-37-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis na aalis sa buhay mo ang mga taong hindi maganda ang motibo sa iyo. Kapag umalis na sila, iba’t ibang uri ng suwerte ang dadapo sa iyo. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-15-16-20-21-23-30.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mula sa maliliit na suwerte na iyong aalagaan at sisinupin manggagaling ang iyong yaman. Kayamanang sa huli ay halos hindi mo mabilang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-21-24-26-31-45.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page