top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | February 09, 2022 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 9, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 09, 2022



Sa may kaarawan ngayong Pebrero 9, 2022 (Miyerkules): Hindi ka bibiguin ng iyong kapalaran hanggang hindi mo nakukuha ang iyong malalaking ambisyon. Ito ay ginagarantiyahan na magaganap sa araw na ito.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon ay araw mo. Bukas ay araw mo rin at ang ilang mga araw na darating ay iyo pa rin. Huwag mong sayangin ang masusuwerteng araw mo, kaya gawin mo na ang nararapat gawin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-10-13-21-25-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pag-aralan mo ang iyong sarili. Matutuklsan mo na ang kulang sa iyo ay lakas ng loob para magtuloy-tuloy na ang pagyaman mo. Ngayong alam mo na, ano ang dapat mong gawin? Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-22-28-30-35-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Pansinin mo ang iyong mga nakaraan na noon ay pikit-mata mong sinugod ang iyong mga suwerte at iyong nakuha ang mga ito. Kaya bakit ka nag-aalinlangan ngayon? Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-18-21-28-31-32.

CANCER (June 21-July 22) - Kung ano ang ayaw mo, ‘yun ang mangyayari. Pero sa huli, sasabihin mo na langit ang higit na nakakaalam kung ano ang mabuti sa bawat tao. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-18-28-39-43-46.


LEO (July 23-Aug. 22) - Napakalaking oportunidad na makakalagpas kapag ang pinanghawakan mo ay ang kawalan mo ng hilig sa materyal na bagay. Ito ay mali dahil kailangan ng tao ang materyal na mga bagay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-24-26-34-40-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi masasayang ang iyong mga gagawing pagkilos. Masasayang ang araw na sana’y magbibigay sa iyo ng daan para umabante na ang buhay mo kapag hindi ka kumilos. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-16-22-28-37-38.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Akala ng mga lihim na karibal mong inggit na inggit sa iyo, hindi papabor sa iyo ang araw na ito. Pero nagkakamali sila dahil ang hindi nila alam, kumikilos ang iyong kapalaran para mas buwenasin ka pa. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-16-18-23-33-40.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumilos ka na parang hawak mo na ang tagumpay. Mangyayari na ang tagumpay ay mapasasaiyo. Pero kumilos ka na parang bigo ka at ang kabiguan ay talagang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-11-19-23-32-35.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano ang mayroon ka, gamitin mo ito sa pagsisimula ng bagong pagkakakitaan. Ang kabilin-bilinan ng iyong kapalaran ay huwag na huwag kang mangungutang. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-10-12-20-24-34.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tapang ang puhunan ng mga yumaman, habang kaduwagan naman ang nasa hindi umunlad. Ngayong alam mo na ang sikreto ng buhay sa mundo, ano pa ang hinihintay mo? Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-14-17-25-27-32.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Dumikit ka sa mga tutok sa kanilang ambisyon at tiyak na tututukan mo rin ang matagal mo nang pangarap na ituon ang iyong sarili sa pagpapayaman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-20-21-25-36-44.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Simple lang naman at tiyak na kaya mong gawin. Pasayahin mo ang iyong sarili, halimbawa, kumain ka sa labas. Mas maganda na ikaw lang mag-isa dahil sa ganitong paraan, magsisimulang dumapo sa iyo ang mas marami pang mga suwerte. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-10-18-22-28-33.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page