top of page

Horoscope | Enero 9, 2026 (Biyernes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 18 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | January 9, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Enero 9, 2026 (Biyernes): Malakas ka kesa sa mga pangkaraniwan. Kaya inaasahan na magtatagumpay ka sa lahat ng larangan. 

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Sa iyo ang araw na ito, anumang kagustuhan mo, ay iaayon sa iyo ng langit. Muli, gawin mo na ang mga ninanais mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-18-20-29-33-42.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tatapang ka, pero mas magandang kung pagtutuunan mo ng pansin ang mga bagay na hindi mo pa nagawa noon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-11-21-24-32-40.

 

GEMINI  (May 21-June 20) - Magdahan-dahan ka ngayon. Kapag nasobrahan ang tiwala mo sa iyong sarili, may ilang bagay na puwedeng mong pagsisihan at panghinayangan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-17-20-26-39-42.

 

CANCER (June 21-July 22) - Sumunod ka lang sa gusto ng isang malapit sa puso mo, dahil ang gusto lang naman niya ay maayos ang buhay mo at makamtan mo ang mga ambisyon mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-15-29-31-35-44.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Kung ano ang tama, ru’n ka pumanig. Iwasan mong pumanig sa malapit sa buhay mo, lalo na kapag alam mong hindi naman tama ang kanyang mga kagustuhan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-14-22-27-38-41.

 

VIRGO(Aug. 23-Sept. 22) - Talas ng isip ang gamitin mong sandata para sa mga mabibigat na suliraning iyong kinakaharap. Makakaasa ka, bubuti at aayos din ang lahat. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-7-10-16-24-30-45.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22)  - Huwag mong pansinin ang mga mapanghusga, bagkus ituloy mo lang ang gusto mong gawin. Mapapahiya at papangit ang kanilang mga kapalaran dahil sa mga maling husga nila sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-11-20-28-36-43.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21)  - Hindi man kalakihan ang suwerteng makakamit, sapat na rin iyon para masabi mong mahal ka ng langit at hindi ka pinababayaan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green.Tips sa lotto-8-14-18-25-31-35.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hahawiin mismo ng langit ang mga hadlang at sagabal sa landas ng buhay na iyong nilalakaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-12-23-26-39-44.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung magkakaroon ka ng kahit konting lakas ng loob, malalaking biyaya ang nag-aabang sa’yo at ganap na mapapasakamay mo ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-17-21-28-32-45.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Titigil ang mga hindi magagandang kaganapan sa buhay mo at magsisimula na gumanda ang buhay mo ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-15-29-31-34-44.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hamuhin mo ngayon ang pinakamalakas mong kaaway, dahil nakatitiyak ako na mananalo ka ngayon. Masuwerteng kulay-beige.Tips sa lotto-5-11-19-25-35-41.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page