Horoscope | Enero 8, 2026 (Huwebes)
- BULGAR

- 1 day ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | January 8, 2026

Sa may kaarawan ngayong Enero 8, 2026 (Huwebes): Malalaking suwerte ang inilaan sa iyo. Kaya mabibigat na pagsubok din ang kailangan mong malampasan. Kapag nalampasan mo ito, hindi ka dapat tumunganga sa mga pagsubok na ito. Umalis ka na agad, at magpakatatag ka!
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ito ang araw na aalisin ng langit ang kahinaan mo. Kaya anuman ang pinaplano at pinapangarap mo, gawin mo na agad ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-10-18-30-33-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ganda ang magiging puhunan at pang-akit ng suwerte mo sa araw na ito. Kaya wala kang dapat gawin ngayon kundi ang magpaganda. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-17-22-28-36-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Umiwas ka sa mga nagpapahirap sa iyo na walang ibang ginawa kundi pintasan at punahin ang ginagawa mo. Siya ngayon ay mamalasin, kaya para hindi ka madamay, layuan mo siya. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-5-14-19-21-37-42.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi mo kailangang malungkot. Ang mga nangyayaring hindi mo gusto ay kailangang maganap upang mabigyan-daan ang pagdapo ng malalaking suwerte sa buhay mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-13-23-34-38-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Dala-dala mo ang suwerte sa mga naghahangad na sila’y suwertehin. Magpasalamat man sila o hindi, langit pa rin ang magbibigay sa iyo ng malaking gantimpala. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-11-15-27-31-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang hihinto ngayon, lalo na’t papaganda na nang papaganda ang takbo ng buhay mo. Ituloy mo lang ang iyong pangarap. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-18-20-26-32-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Umiwas ka sa mga nagpapakita sa iyo ng maganda dahil ang kanyang pagkagusto ay pansamantala lamang. Kumbaga, walang katiyakan kung magtatagal ba siya sa buhay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-14-21-30-33-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi na maaawat ang pagdating ng magagandang kapalaran mo na pansamantalang naantala dahil kumukuha pa ito ng malakas na buwelo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-12-22-35-38-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kakaibang sigla ang regalo sa iyo ng langit—isang sigla na kayang tumunaw sa mga negatibong puwersang gustong sumira sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-16-25-29-35-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ito ang araw na dapat mo pang pag-ibayuhin ang pagtitipid at pagsi-save. Sa ganyang paraan, pagkatapos ng holiday season, matatagpuan mo ang iyong kabang-yaman na marami pang laman. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-18-23-27-34-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Susuwertehin ka at ang magara pa nito, magiging malaki pa ang suwerteng darating sa iyo. Ngunit mangyayari lamang ito kung patatawarin mo na ang mga taong nagkasala sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-11-28-30-33-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Humingi ka muna ng payo bago ka sumabak sa negosyong gustung-gusto mo. Sa ganitong paraan, maiiwasan mo ang mga panimulang problema. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-14-21-26-31-40.






Comments