Horoscope | Enero 7, 2023 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 7, 2023
Sa may kaarawan ngayong Enero 7, 2023 (Sabado): Taglay mo ang kakayahan na payamanin ang iba. Ito rin ay nagsasabi na kung gusto mong payamanin ang iyong sarili, tiyak na yayaman ka. Umpisahan mo ito ngayong kapapasok lamang ng Bagong Taon.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Labas-pasok sa isip mo ang naggagandahang ideya. Kung lalakipan mo ng kaukulang pagkilos ang mga ito, tiyak na maiiwanan mo nang milya-milya ang iyong mga kakumpitensya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-20-25-26-34-36.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang makinig sa mga negatibong pananaw. Mas magandang magbingi-bingihan ka sa mga takot mabigo at ayaw makipagsapalaran. Ikaw ay dapat na maging matapang dahil may magandang regalo sa iyo ang langit. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-17-20-21-24-27.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong sayangin ang iyong oras sa kakaisip kung ano ang gagawin mo. Noon ka pa nagplano at ngayon ang eksaktong araw para magsimula ka. Huwag kang mag-alinlangan, ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-21-22-28-30-33.
CANCER (June 21-July 22) - Patapos na ang lungkot na nararamdaman mo. Ang totoo nga, wala namang basehan ang lungkot mo. Kumbaga, likhang-isip mo lamang ang mga ito. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-23-27-31-32-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Tulungan mo ang gustong umasenso. Ang isa sa mahalagang papel mo sa mundo ay alalayan ang mga gustong magsikap at ang mga taong lumalaban sa kahirapan. Muli, tulungan mo ang mga gustong umasenso. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-21-25-29-36-38.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hadlang ang isip mo sa pagpapatuloy ng iyong pag-asenso dahil pabago-bago ka ng pasya. Dahil dito, kung ano ang una mong maisip, ‘yun agad ang ipatutupad mo dahil sa ganitong paraan, matitiyak ang pagwawagi at tagumpay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-19-21-22-23-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ikaw mismo ang magdadala sa iyong sarili sa mas maunlad na buhay. Huwag kang umasa sa iba, pero gamitin mo sila para sa sarili mong kapakanan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-16-20-23-39-40-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi ka dapat masanay sa madaling paraan ng pagpapayaman. Mas maganda na ang puhunan ay hirap, pagod at sikap dahil ang bunga ng mga ito ay tunay na yaman. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-22-25-27-29-31.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Samantalahin mo ang araw na ito dahil maganda para sa negosyo. Umiwas ka sa walang kabuluhang paggasta, bagkus, muli mong bigyang-prayoridad ang pagtitipid at pag-iipon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-17-21-33-34-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Humingi ka ng payo sa mga may alam. Hindi maganda na akalain mong mas marunong ka kaysa sa mga nauna sa iyo. Huwag kang mayabang, bagkus, magpakumbaba ka. Ito ang paalala ng kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-28-29-35-39-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang aayaw sa mga ibibigay sa iyo. Kung hindi mo gusto, kunin mo pa rin at ibigay mo sa malalapit sa iyo. Sa ganitong paraan, patuloy kang bibigyan ng langit ng mas marami pang mga biyaya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-8-11-14-25-23.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kahit wala kang gagawin, lumabas ka ng bahay at kahit pa abala ka, mas maganda kung isisingit mo ang pamamasyal. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran upang lalo kang buwenasin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-10-11-15-26-28.




Comments