Horoscope | Enero 6, 2026 (Martes)
- BULGAR

- 2 days ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | January 6, 2026

Sa may kaarawan ngayong Enero 6, 2026 (Martes): Kahit pa makagawa ka ng pagkakamali, hindi pa rin hihinto ang gulong ng iyong kapalaran para bigyan ka ng suwerte at magagandang kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Naghahanda na ang langit upang bigyan ka ng magagandang oportunidad. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-11-24-30-35-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Suwerte ka ngayon. Alam mo kung sino naman ang mamalasin? Sino pa nga ba, eh ‘di ang mga kontrabida sa buhay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-18-21-23-31-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Nagbabalik ang pinakamalaking kahinaan mo at ito ay ang hindi mo pagpaplano dahil sa labis na tiwala mo sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-14-25-34-39-41.
CANCER (June 21-July 22) - Papalakas nang papalakas ang iyong karisma. Ngayon mo na rin masusubukan ang mga kumokontra sa iyo. Oo, sa lakas ng karisma mo, sila ang unang hahanga sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-16-26-36-38-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kung ano ang wala sa tao, dapat iyon ang kanyang ginugusto. Pag-isipan mong mabuti ang patakaran mo sa buhay. Masuwerteng kulay-ocher yellow. Tips sa lotto-7-17-20-24-32-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kahit pa pinamamahayan ka ng mga negatibong pananaw, gaganda pa rin ang iyong kapalaran dahil babalewain ng langit ang mga kahinaan at kapintasan mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-12-22-28-35-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Kusang mawawala ang mga problema, lalo na ang hindi mo naman kayang bigyan ng kalutasan. Ito ang regalo sa iyo ng langit dahil sa ipinakita mong pagmamahal sa kapwa mo nitong nagdaang Kapaskuhan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-15-18-27-37-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi kung hindi, at oo kung oo! Bago ka magsalita, pag-isipan mo muna ang sasabihin mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa ngayon. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-6-10-21-32-39-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Samantalahin mo ang pagganda ng buhay mo sa larangan ng pangkabuhayan, at tutukan mo ang mga bagong proyektong iyong nasimulan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-13-19-23-31-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag nang hanapin pa ang nawala sa iyo. Ayon sa kapalaran mo, higit pa sa mga ito ang nakatakdang mapasaiyo. Kaya huwag na huwag kang manghihinayang. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-16-29-34-38-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kukulangin ka sa pagiging seryoso. Dahil sa bilis ng ginawa mong pagpapasya, mabilis ding maglalaho ang init na iyong nadarama. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-17-21-25-34-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakatutuwa ang kapalaran mo ngayon dahil ang mga suwerte mo ay magmumula sa isang kaibigan mo na akala mo ay balewala lang sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-12-19-26-35-45.






Comments