top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Enero 6, 2023 (Biyernes)

  • BULGAR
  • Jan 6, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 6, 2023


Sa may kaarawan ngayong Enero 6, 2023 (Biyernes): Ito ang araw na ibibigay ng nasa itaas sa mga kamay mo ang pagbabago. Ikaw ang magpapasya at kapag positibo ang iyong pasya, positibong pangyayari rin ang mapasasaiyo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung ano ang maganda sa paningin, ‘yun ang piliin mo. Hindi tama na kung ano ang maganda sa tingin ng kapwa mo ay ‘yun pa ang gagawin mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-20-21-28-30-31.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Muling nagbalik ang masuwerteng araw mo, kung kailan muli ring magdadatingan ang naggagandahang oportunidad sa iyong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-17-25-26-34-36.


GEMINI (May 21-June 20) - Ngayong taon, makakaganda para sa iyo ang pakikinig sa masasayang musika. Mas maganda rin na ikaw mismo ang umawit ng masasayang himig. Ito ang payo para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-22-29-32-38-41.


CANCER (June 21-July 22) - Makakabuti para sa iyo na maunawaan ang pagkakaiba ng awa at ng tunay na pag-ibig. Maawa ka, pero ingatan mong mahulog ang iyong loob sa tao na iyong kaaawaan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-18-21-28-30-33.


LEO (July 23-Aug. 22) - Iaangat nang todo ang kapalaran mo ngayong taon. Sikapin mong huwag maging mapagmataas dahil muling ibababa at ibabagsak ng langit ang kapalaran mo. Ito susi mo para tuloy-tuloy kang magtagumpay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-22-25-34-39-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magandang pagkakataon para sa iyo ang taong ito para paunlarin ang iyong negosyo o pinagkakakitaan. Maging positibo ka sa buong taon dahil ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-28-29-32-37-38.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mas maraming magagandang kapalaran ang nakalaan sa iyo sa taong ito kung ikukumpara mo sa nakaraang mga taon. Huwag mong kakaligtaan na magpasalamat sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-20-31-32-27-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mahirap paniwalaan, pero ang langit ay sumusuko sa taong makulit at mapagpilit. Ito ang sikreto ng kapalaran mo sa taong ito, kaya palagi kang magpumilit upang mas madali kang manaig at magtagumpay. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-18-21-30-32-39-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Inspirasyon ang nakukuha sa masayang pagmamahalan. Panatilihin mong masaya ang iyong buhay pag-ibig sa pamamagitan ng pagkakaunawaan at bukas na isipan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-28-30-33-37-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kumapit ka sa pangarap mo dahil sa taong ito, ang regalo sa iyo ng langit ay katuparan ng mga pangarap, na akala mo ay hindi na magkakatotoo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-21-24-26-34-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang malito kapag masasayang pangyayari ang mararanasan mo sa kasalukuyan. Ang gusto lamang ng langit para sa iyo ay malubos ang iyong kaligayahan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-12-24-26-34-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magbabago ang kapalaran mo ngayong taon at ito ay ang paganda nang paganda kaysa sa dati. Ibahagi mo ang mga pagpapala at biyayang mapasasakamay mo sa mga labis na nangangailangan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-20-22-24-28-35.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page