top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Horoscope | Enero 6, 2021 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 6, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 6, 2021



Sa may kaarawan ngayong Enero 6, 2020 (Miyerkules): Para sa maganda ang maganda. Ikaw ay maganda kaya para ka sa maganda. Huwag mo itong kakalimutan at ito ang gawin mong batayan sa iyong buhay.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka puwedeng hindi yumaman kung isa lang ang iyong tututukan sa napakaraming gusto mong gawin sa buhay. Ito na mismo ang sikreto ng iyong tagumpay at kabiguan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-10-14-21-28-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mahalin mo ang nagbibigay sa iyo ng biyaya, sa tao man o sa anumang bagay. Kaya ang negosyo ay mahalin mo at kapag mahal mo ang isang bagay, huwag mong abusuhin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-21-25-30-31-32.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang maniwala sa iba na nagsasabing hindi mabuting tumingin sa panlabas na ganda. Dahil ang totoo sa buhay, kung sino at ano ang maganda sa iyo ay nagpapasigla. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-12-16-23-38-41.

CANCER (June 21-July 22) - Alipin ka ng iyong damdamin. Kailan ka kaya makakalaya? ‘Pag ang inisip mo ay ang iyong kinabukasan, hindi ka aalipinin ng kahit na sino. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-20-21-28-35-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kakaibang ikaw ang makikita ng lahat dahil napakalakas ngayon ng iyong karisma kung saan mabibihag mo ang mga matang magtatangkang tumitig at sumulyap sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-12-27-30-41-45.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Napakalakas ng dating ng iyong mga paliwanag. Ang matagal na magising sa katotohanan ay mamumulat ang mga mata at kapag sinunod ka, gaganda ang kanilang buhay. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-22-27-34-36-40.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hawak mo ang iyong kapalaran, gayundin ang kapalaran ng nakadikit sa buhay mo. Magandang balita ito dahil kung sino ang may kontrol, siya ang masusunod. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-16-23-31-36-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mahirap humanap ng taong hindi umaatras at mahirap ding maghanap ng pataas nang pataas. Ngayon, hindi na aatras ang magagandang kapalaran mo at paangat ka pa nang paangat. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-24-27-32-38-43.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ingatan mong magkamali ngayon. Para hindi mangyari ang mga aral sa buhay na iyong natutunan, ikuwintas mo ang mga ito at itali sa iyong daliri. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-21-25-30-39-45.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nadadapa ang mabilis, kaya pag-aralan mo nang mabuti ang susunod mong mga hakbang. Ito ang sikreto ng magandang kapalaran na dapat ay hindi mo makalimutan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-13-16-33-39-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Wala namang bagong pangyayari sa ibabaw ng mundo. Pabalik-balik lang naman ang mga kaganapan. Ngayon, muling babalik ang mga araw kung kailan buwenas ka. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-20-28-31-38-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Iba-iba ang paniniwala ng bawat tao. Kaya huwag mong asahan na walang kokontra sa iyo. Ang mahalaga, kung ano ang gusto mo, ituloy mo. Ito ang susi ng maligayang buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-12-14-15-20-27.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page