top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Horoscope | Enero 5, 2023 (Huwebes)

BULGAR
Jan 5, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 5, 2023


Sa may kaarawan ngayong Enero 5, 2023 (Huwebes): Itinakda ng kapalaran na ikaw ay mamuno. Dahil dito, ikaw ay pinaaalalahanan na mahalin at igalang ang iyong mga pamumunuan. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang magmadali. Sa taong ito, kumikilos ka ayon sa iyong kapalaran at ito ay dapat dahan-dahan para makatiyak na ang daan ng buhay na iyong nilalakaran ay malinis at walang sagabal. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-20-23-38-39-40.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ipanatag mo ang iyong sarili dahil mismong langit ang tagapagbantay mo. Ang sinumang matagpuan na sisira ng iyong kapalaran ay kagagalitan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-15-20-21-25-36.

GEMINI (May 21-June 20) - Hindi naman masama kung magmadali ka. Ang mahalaga ay pinagagana mo ang talas ng iyong isip. Noon pa man at kahit kailan, ito na ang sandata ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-18-21-25-28-30-33.

CANCER (June 21-July 22) - Makabubuti sa iyo na humingi ng payo sa mga matagal mo nang kakilala. Pero huwag sa mga hindi mo pa gaanong kakilala dahil tiyak na ngayong 2023 ay ipapahamak ka lang nila. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-21-25-27-38-39.

LEO (July 23-Aug. 22) - Nasa mga taong tulad mo na angat sa buhay ang iyong mga suwerte. Pagtibayin mo ang iyong pakikipagrelasyon sa kanila nang magpatuloy ang pagdating ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-21-27-28-33-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Iwasan mong maisip ng iba na mas matalino ka kaysa sa kanila. Sa totoo lang, malayo ang agwat mo sa kanila, pero mas maganda kung aakalain nila na kapantay mo lang sila. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-12-23-31-39-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Didikit sa iyo ngayon ang posibleng panggalingan ng masasarap at masasayang karanasan. Kung sino ang dikit nang dikit sa iyo, siya na ang tinutukoy ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-24-26-30-33-34.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ito ang araw na kailangan mong magpatawad at magmahal. Kapag pinairal mo ang pagpapatawad at pagmamahal ngayong Year of the Water Rabbit, tiyak na ang iyong malaking tagumpay at pag-unlad ng kabuhayan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-21-27-28-30-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hawak mo ngayon ang iyong kapalaran. Kung gusto mo na mabilis kang umasenso, ngayon ang pagkakataon mo. Huwag kang magdalawang-isip, kumilos at maglakad ka. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-12-23-31-32-37-40.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magplano ka para sa buong 2023. Ngayon at ang mga araw na darating ay masuwerte para sa pagbuo mo ng mga plano sa Year of the Water Rabbit. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-13-20-22-26-29-37.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magkunwari kang malungkot at makukuha mo ang gusto mo. Magkunwari kang masaya, mauubos ang pera mo at mababaon ka sa utang. Madalas, ang pagkukunwari ay pinakikinabangan mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-16-25-30-33-38.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Malakas na kaba ang iyong madadama. Ibig sabihin, malaking suwerte ang paparating. Hindi maganda kung ikaw ay negatibo at ang pag-aalinlangan ay dapat mong alisin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-19-21-25-26-35.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page