Horoscope | Enero 4, 2023 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 4, 2023
Sa may kaarawan ngayong Enero 4, 2023 (Miyerkules): Mababa ang loob mo. Ipagpatuloy mo ito sa buong 2023 dahil higit na gusto ng nasa itaas ang mapagpakumbaba, kaya ikaw na may mababang loob ay bibiyayaan ng langit.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ito ang araw para pagtibayin ang mga pangako ng pagmamahalan. Bawasan mo ang pagtutok sa ambisyon, mas magandang tutukan kung sino ang mahal mo sa buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-17-19-20-25-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nag-iipon ng tubig ang mga ulap bago diligan ang mga halaman. Mag-ipon ka rin ng lakas at ang maiipon mo ay iyong iukol sa pagpapatatag ng relasyon na panghabambuhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-18-21-28-32-37.
GEMINI (May 21-June 20) - Masarap ang ihip ng hangin, pero mas masarap ang hangin na may kasamang tubig, lalo na kung banayad ang pagdampi sa balat. Ibinabalita ng kapalaran na kailangan mo ng tunay na pag-ibig. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-23-24-29-31-38-40.
CANCER (June 21-July 22) - Muling iiral ang pagiging mahiyain mo. Gayunman, alam mo na may isang naghahanap ng wagas na pagmamahal na ang mas pipiliin ay ang tulad mong may mahiyaing personalidad. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-20-25-27-34-36-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mahina ka ngayon at kapag mahina ang isang tao, dapat lang na siya ay lumayo sa mga tukso. Ang tukso ay madaling malaman dahil sila ay puwedeng makasira ng buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-28-30-33-39-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kapag namamahinga ang katawan, ang isip ay walang tigil sa paggiling. Bawat magagandang ideya na maglalabas-pasok sa iyong isipan ay ipunin at iyong tandaan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-13-15-26-32-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi lang magandang katawan ang mapanukso dahil ang mga salitang may kaugnayan sa pagmamahal na madalas sabihin na inuukol sa iyo ay panukso rin para mabihag ka. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-16-23-38-40-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang iyong nadadama, sundin mo kahit pa tutol ang iyong isip. Ang kaligayahan ay hindi nagmumula sa isipan dahil ito ay dikta ng damdaming nagmamahal. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-9-17-20-31-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mapapalapit ka sa mabait. Ingatan mong mahulog ang iyong loob. Magandang may mabait sa buhay ng tao, pero ang papel nila ay maging mabait din sa lahat. Sa bandang huli, mas mabait pa sila sa iba kaysa sa iyo. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-9-15-16-27 30-34.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nangangarap ang tao ng malalaking yaman, pero ang mas maganda ay dahan-dahang paghahanda sa kinabukasan kaysa sa pagkakaroon ng biglaang suwerte. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-21-24-26-34-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi mo gugustuhin ang magagandang bagay kapag hindi naman galing sa iyong mahal kahit pa ang magbibigay sa iyo ay mahal na mahal ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-15-27-30-32-36.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lumayo ka sa mga mapagkunwari. Sila ang masaya kapag mabait ka at nawawala sila kapag hindi ka na kailangan. Muli, layuan mo sila at huwag nang pansinin pa. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-21-25-28-38-40.




Comments