top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Horoscope | Enero 4, 2021 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 4, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 4, 2021



Sa may kaarawan ngayong Enero 4, 2021 (Lunes): Ibahagi mo sa kapwa ang sobra sa mga suwerte mo. Ito ang susi upang umagos nang tuloy-tuloy ang magagandang kapalaran sa buhay mo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong kalilimutan na ang gandang panlabas ay umaakit lang sa mga mata, pero gandang panloob ang umaakit sa puso. Ito ang susi para sa iyong kaligayahan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-18-20-26-28-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong pahirapan ang iyong sarili. Luwagan mo ang patakaran na ginawa mo sa iyong sarili para sa kung sino pa ang puwedeng mapalapit sa iyo. Ito ang payo para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-29-31-36-38-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Tumaya ka sa laro ng buhay at kapag nanalo ka, sasaya ka at kapag natalo ka, may matututunan kang aral sa buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-20-23-27-39-41.

CANCER (June 21-July 22) - Ibinabalita ng iyong kapalaran na magbubukasan na ang mga bintana ng magagandang oportunidad para magkaroon ka ng kaginhawahaan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-17-21-24-25-35.

LEO (July 23-Aug. 22) - Naiipon ang sama ng loob mo sa isang tao. Hindi ito makagaganda sa iyo dahil ang epekto ay kikilos ka nang mali-mali. Mas maganda na wala ka nang koneksiyon sa kanya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-13-20-29-30-33-38.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi na maganda para sa iyo ang sumunod sa payo na magdiyeta. Sundin mo ang iyong sarili dahil alam at nararamdaman mo na kailangan mo nang kumain ng masasarap. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-23-25-38-39-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Wala ka namang magagawa kundi ang umayon kahit sa mga naririnig mong hindi maganda. Pansamantala, huwag ka munang aangal nang hindi lumala ang sitwasyon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-10-14-26-31-35-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang hihinto kahit nahihirapan ka nang lumakad sa landas ng iyong buhay na tinatahak dahil hindi magtatagal, makikita mo na ang liwanag ng iyong kaligayahan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-12-22-26-31-37-39.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagbabalita ang araw na ito na ngayon at sa darating pang mga araw, makikiisa na sa iyo ang mga kontrabida sa buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-20-24-27-34-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Naghihilom ang sugat kahit gaano pa ito kalalim. Ang posibilidad ng pakikipagbalikan ay nasa iyong harapan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-27-28-30-33-36.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pumapasok na ang bagong panahon ng buhay at para sa iyo, ito ang panahon ng pamamasyal. Bawat aktibidad ay planuhin mo nang hindi masira ang saya at ligaya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-17-21-25-27-35

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagbabalita ang araw na ito na mahaba ang mga araw ng iyong pananalo na parang parada ng masusuwerteng kapalaran. Ito ang mapalad na mensahe na tanging para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-16-28-29-30-31.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page