top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Enero 31, 2023 (Martes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 31, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 31, 2023


Sa may kaarawan ngayong Enero 31, 2023 (Martes): Ang sinumang madikit sa iyo ay susuwertehin. Ito ang tinitiyak ng iyong kapalaran, pero mas maganda na unahin mong payamanin ang iyong sarili kaysa sa iba. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong pansinin ang mga kontrabida dahil kahit sarili nila, sa totoo lang ay kinokontra nila, kaya wala ka ring mapapala sa kanila. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-20-24-28-30-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kapag inawat ka ng taong negatibo, ano ang gagawin mo? Ano nga ba, siya ay iyong layuan dahil ang naturang tao ay sobrang negatibo sa buhay. Gayundin, dinadamay niya ang mga taong nakapaligid sa kanya. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-19-20-24-28-35.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag na huwag kang matutukso ngayon na magsuot ng kupas na kulay kahit ito ay paborito mo. Nagbababala ang kapalaran na kukupas din ang mga suwerte mo hanggang sa mawala ito. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-9-16-21-26-27.

CANCER (June 21-July 22) - Simple lang ang sikreto para ikaw ay buwenasin. Ito ay nagsasabi na linisin o alisin mo ang mga alikabok sa halaman n’yo. Ibig sabihin, linisin mo ang mga dahon ng inyong halaman upang bumalik ang dating kislap nito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-29-30-34-29-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Malakas ang dating ng mga salita mo ngayon. Ingatan mong magsalita ng hindi maganda sa kapwa. Kapag magaganda ang sinabi mo, gaganda rin ang kanilang kapalaran, ganundin ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-22-25-28-34-37.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magbalik-tanaw ka sa mga nakaraang tagumpay mo. Kunin mo ang pormula na ginawa mo noon dahil ngayon, ang naturang pormula ang magbibigay sa iyo ng suwerte at malaking pagyaman. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-17-20-21-26-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magpapatuloy ang maganda mong kapalaran at mananatili ito sa iyo hanggang sa mahabang panahon kapag nagawa mong kalimutan ang iyong mga nakaraang kabiguan. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-3-12-18-21-28-30.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang utos, ‘yun ang gawin mo. Hindi maganda na baguhin mo ito kahit inaakala mo na ang sa iyo ay mabuting gawin. Hindi ka dapat na masanay sa ganu’n. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-15-21-23-37-40.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bakit magugulo ang isip mo sa taong alam mo na walang pag-asa na magbago? Mas maganda na magdagdag ka ng malapit sa iyo na magbibigay ng inspirasyon sa buhay mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-18-21-26-33-37.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mas maganda na nag-iisa ka lang kaysa makasama mo ang mga taong alam mong makakapagpasaya sa iyo. Huwag mong pahirapan ang iyong sarili. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-24-27-37-39-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hayaan at huwag mong habulin ang lalayo sa iyo. Ang totoo, maaaring hindi ka maniwala, pero mismong langit ang nagsabi na magkakalayo talaga kayo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-22-25-29-30-31.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong ikagulat ang biglaang pagpapalit ng iyong kapalaran. Kapansin-pansin na ang mga inaayawan mo noon ay ginugusto mo ngayon. Makakabuti ito sa iyo dahil ngayong araw ay bigla kang susuwertehin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-28-29-30-32-38.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page