top of page

Horoscope | Enero 30, 2026 (Biyernes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | January 30, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Enero 30, 2026 (Biyernes): Ilalagay ka ng iyong kapalaran sa mas mataas na posisyon. Kaya matuto kang mahalin at igalang ang nasa ibaba, dahil sila ang makakatulong sa iyo upang mas umangat ka.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iwasan mong magyabang, kahit pa mas nakakaangat ka sa iyong karibal. Ang pananatiling mapagpakumbaba ang tunay na susi para sa mas magandang buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-19-24-31-37-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dumikit ka sa mga marunong at asensado na. Tiyak na meron kang matututunan mula sa kanila na magdadala sa’yo paitaas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-13-21-27-30-43.


GEMINI (May 21-June 20) - Ang pagiging positibo ang isa sa mga sikreto ng iyong magandang kapalaran. Sanayin mo ang sarili mong maging positibo sa lahat ng oras, nang sa gayun ay dumapo sa iyo ang mga suwerte. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-5-11-18-20-39-45.


CANCER (June 21-July 22) - Ngayon ang tamang panahon para makipag-ayos sa mga taong nakaaway mo, hindi na mahalaga kung pumabor sila, ang mahalaga ay matuwa sa iyo ang langit. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-7-14-25-33-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Magplano ka base sa iyong kakayahan. Sa paraang ito, hindi ka mahihirapang umasenso. Tandaan mo, ang tunay na sikreto ng pagpapayaman ay dahan-dahan lang. Masuwerteng kulay–green. Tips sa lotto-2-17-22-32-35-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tandaan mo, hindi dapat pagsabay-sabayin ang lahat ng nasa isip mo. Ang paggawa ng maramihan ay sanhi ng kawalan ng konsentrasyon sa mas mahahalagang gawain. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-12-20-23-36-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mag-isip ka ng negosyo na hindi ka mahihirapan. Sa katunayan, hindi ka isinilang para maghirap tulad iba. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-14-26-30-37-44.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumikilos na ang mga bituin para paulanan ka ng suwerte. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-19-27-29-38-43.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Paparating na ang mga masuwerte mong araw, ibahagi mo sa iba ang mga biyayang mula sa langit. Sa ganitong paraan, tuluy-tuloy nang darating sa iyo ang mga maliliit at malalaking suwerte. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-15-21-25-31-45.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sabay-sabay ang mga oportunidad na darating sa’yo, alinman sa mga ito ay tiyak na magpapayaman sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-13-20-22-33-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakatakda na ang iyong mga suwerte. Gayunman, huwag mong sayangin ang magagandang biyayang mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-11-16-27-32-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lalapit na sa iyo ang mga suwerte. Kaya naman, mahalin mo rin ang mga kapus-palad. Sa ganitong paraan, tuluy-tuloy kang yayaman at gagantimpalaan ng langit. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-14-24-28-35-42.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page