top of page

Horoscope | Enero 3, 2026 (Sabado)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | January 3, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Enero 3, 2026 (Sabado): Hinahangaan ng langit ang iyong kabaitan at pagiging maawain. Dahil dito, walang katapusang biyaya ang ilalaan para sa iyo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mababa ang loob mo ngayon. Lumayo ka muna sa mga mapagkunwari; sila ay nakakaawa dahil sila rin ang unang makakadaya sa iyo. Muli, lumayo ka sa kanila. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-18-20-29-33-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bago mo mahalin ang iyong kapwa, mahalin mo muna ang sarili mo nang sa gayun ay matupad mo ang banal na utos na mahalin natin ang ating kapwa tulad ng pagmamahal natin sa ating sarili. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-8-16-22-31-40.


GEMINI (May 21-June 20) - Panoorin mo ang mga bata na malayang naglalaro, masaya at walang negatibong iniisip. Isabuhay mo ngayon ang buhay na hindi naaapektuhan ng negatibong kaisipan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-12-24-29-37-42.


CANCER (June 21-July 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ibabalik ng langit ang araw na kaya mong gawin ang mga bagay na inaakala mong hindi mo magagawa. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-19-21-26-34-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Tutulungan ka ng akala mo ay mahina. Aalalayan ka ng hindi mo akalaing kaya kang alalayan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-11-17-28-39-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magdahan-dahan at maging maingat ka. Hindi ngayon ang mabibilis na pasya at mga agarang kilos. Pag-aralan mong mabuti ang mga gusto mong gawin para hindi mahirapan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-15-20-23-38-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mo nang ituloy ang balak mong gawin, kapag hindi maganda ang opinyon ng iyong kausap. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-12-19-25-35-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pabor na pabor ang langit sa mga plano mo. Ang kailangan na lang ay ituloy mo ang mga ito. Huwag mag-alinlangan kahit pa alam mong ikaw ay may mga kahinaan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-17-22-24-37-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mahina ka ngayon at alam mo ito. Alam din ng langit na medyo mahina ka, kaya papadalhan ka Niya ng taong makakatulong sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-9-18-27-39-45.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ito ang araw na kung kailan ay ibubuhos ang tulong sa iyo ng iyong kapwa at maging ng langit. Wala ka nang katuwiran pa na malungkot at mawalan ng pag-asa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-7-19-20-38-43.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mag-aalinlangan ka ngayon. Kakaibang-kakaiba ito sa nagdaang mga araw, kung kailan ay sobra ang kumpiyansa mo sa sarili at napakalakas ng loob mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-10-15-23-37-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang araw na mabibigo ang iyong mga lantad at lihim na kaaway. Sila na naghahangad na ikaw ay masaktan at mapahiya ang aani ng sakit at kahihiyan. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-1-5-16-22-38-44.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page