top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Horoscope | Enero 3, 2021 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 3, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 3, 2021



Sa may kaarawan ngayong Enero 3, 2021 (Linggo): Malambot ang iyong puso at kalooban, at sa lahat ng klase ng tao, ikaw ang pinakamasarap magmahal. Hindi ka puwedeng kalimutan ng mga magiging bahagi ng iyong buhay.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit ang makapal at maitim na usok sa Bagong Taon ay hindi makakaawat sa ningning ng mga bituin. Tulad ng buhay mo, pansamantala lang ang madilim na kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-11-13-28-30-35.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sukatin mo ang kakayahan ng taong gustong maging bahagi ng buhay mo. Huwag ka agad maniwala sa mga salita. Pag-aralan mo ang kanyang mga kilos at nakaraan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-10-17-29-31-32.


GEMINI (May 21-June 20) - Sakyan mo ang masayang pangyayari sa buhay mo. Magugulat ka dahil dadalhin ka nito sa kung saan makakaharap mo nang mukhaan ang mismong inilaan sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-14-27-39-40-45.


CANCER (June 21-July 22) - Hindi masama ang mangopya dahil ang lahat ay talaga namang nangongopya. Kopyahin mo ang ginawa ng mga nagtagumpay na at ikaw din ay magtatagumpay sa buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-16-17-29-31-37.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kumukupas ang lahat sa mundo, kukupas din ang mga suwerte mo. Kaya lang, ang masayang balita ay nagsasabing nagbabalik na may kakaibang lakas ang iyong mga buwenas. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-10-15-21-22-27.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lungkot ang dala ng makulimlim na panahon. Ito rin ang panahon ng pagsusuri sa nakaraan na kung may kailangang ayusin o itama, ito ay dapat tanggapin at hindi dapat ikaila. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-11-17-18-29-36.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Subok na sa buhay mo ang sinasabing “Kung saan ka masaya, roon ka,” at “Kung hindi na masaya, bakit mo dadayain ang iyong sarili?” Kaya alam mo na kung ano ang dapat mong gawin. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-6-19-20-21-28-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong pilitin ang sarili mo sa alam mong mahihirapan ka lang. Mas maganda na ang piliin mo ay ang may masarap kang buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-14-26-31-36-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang magpatangay sa gusto ng iba. Kung sila ang may gusto, dapat sila na lang. Hawak mo ang sarili mong kapalaran, kaya bakit ka papayag na ikaw ay kanilang mahawakan? Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-18-19-21-28-31.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kaya lang naman nabibigo ay dahil hindi mapagpilit at desidido sa kanyang gusto. Ngayong alam mo na ang ganitong katotohanan, dapat alam mo na rin ang gagawin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-24-28-33-38-40-46.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ingatan mo na sobrang mapalapit ka sa isang tao na palagi mong nakakasama. Ito ay hindi dahil masama ang epekto niya sa iyo kundi siya ay hindi mo masisisi kapag minahal nang todo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-20-25-29-35-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakakahawa ang sigla at saya. Higit kailanman, sila ang kailangan mo sa iyong buhay nang sa gayun, ngayong 2021 ay masimulan mo na ang positibong paaran sa iyong magandang bukas. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-17-21-27-32-36.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page