top of page

Horoscope | Enero 29, 2026 (Huwebes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 20 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | January 29, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Enero 29, 2026 (Huwebes): Marami ang magpapaalala na bawasan mo ang iyong kabaitan. Subalit, ayon naman sa langit, pinagpapala ka dahil sa ginagawa mong kabutihan sa iyong kapwa. Kaya ikaw na ang pumili kung ano ang ipapatupad mo. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ito babala, dahil ito ay tiyak na mararanasan mo. Tatalunin ka ng iyong emosyon, kakaawaan mo ngayon ang taong makikita mong hirap na hirap sa pag-asenso. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-6-19-24-39-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Unahin mo ang para sa sarili mo. Ang pagsisisi ang kadalasang tumulong sa iba. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-18-21-28-33-43.


GEMINI (May 21-June 20) - Kahit labag sa loob mo, maiisahan ka dahil sa mga araw na ito’y mahina ang iyong depensa laban sa mga taong may hindi magandang motibo para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-16-23-25-30-44.


CANCER (June 21-July 22) - Muling ibinalik ng langit ang mga masusuwerteng araw mo. Ang lihim mong mga kaaway ay masosorpresa dahil akala nila, kaya ka nilang talunin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-17-20-34-36-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Gumawa ka ng kabutihan kahit munting tulong lang. Ang mga tulong na ito ay papalitan ng langit ng malalaki at mas maraming magagandang kapalaran. Sundin mo ang payo kahit may pag-aalinlangan ka pa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-15-26-29-32-45.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nagbababala ang araw na ito, na ngayon na darating ang mga negatibong pananaw na mananahan sa iyong isipan. Ang payo ay huwag ka munang magpasya ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-13-26-28-35-43.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit kontrahin ka nila, ‘di ka magbabago. Kahit harangan ka pa nila ng sibat, sasabihin mo sa sarili mo na ang mahal mo ay mahal mo, at sasabihin mo rin na wala silang pakialam. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-11-18-27-34-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maluwag mong magagawa ang gusto mong gawin. Dahil ang mga hadlang sa landas ng buhay na iyong tinatahak ay aalisin mismo ng langit. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-11-26-30-36-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka nag-iisa sa pagtawag mo sa langit at maaaring hindi mo paniwalaan na may isang nanalangin na gumanda ang iyong buhay, at siya ay pagbibigyan ng nasa Itaas. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-14-21-31-37-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Iiral na naman ang pagiging mahiyain mo, pero ang langit ay nagpasya na kahit ano ka pa at kahit nasaan ka, ang mga suwerte mo ay bibisita pa rin sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-13-23-29-32-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mahina ka ngayon; hindi mo pa magagawa ang gusto mong gawin dahil sa awa mo. Pero sa ibang araw, ang awa mo sa iyong sarili ay mawawala rin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-18-20-25-38-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung may balak kang gawin ngayon, tiyak magagawa mo ito ngayon. Maluwag mong maipapatupad ang iyong mga kagustuhan. Masuwerteng kulay-teal green. Tips sa lotto-2-15-22-26-35-39.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page