Horoscope | Enero 29, 2023 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 29, 2023
Sa may kaarawan ngayong Enero 29, 2023 (Linggo): Iyong-iyo ang araw na ito, kaya anuman ang planuhin at pangarapin mo sa buhay, ginagarantiyahan ng langit na ang lahat ng ito ay magsisismulang matupad mula sa araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ito ang takdang araw para sa pagkakawang-gawa. Anuman ang mababawas sa iyo ay papalitan ng langit nang higit at doble sa inaasahan mo bilang pasasalamat sa iyong kabutihan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-20-22-25-28-30.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi pa tapos ang pagdating ng mga buwenas mo. Puwede ka pang makipagsapalaran at kahit harapin mo ang pinakamahigpit mong karibal, ikaw pa rin ang mananalo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-24-26-37-38-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Mahina ka ngayon dahil matatangay ka ng iyong damdamin. Pero malakas pa rin ang iyong likas na gayuma, kaya magpapatuloy ang bisa ng mapang-akit mong mga salita at marami kang mapapahanga. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-22-25-26-39-40.
CANCER (June 21-July 22) - Ngayon ay suwerteng araw mo. Samantalahin at gawin mo ang mga plano na hindi mo nasimulan noon dahil pinanghinaan ka ng loob. Ngayon, tutulungan ka ng langit, kaya ang lahat ng ito ay masisimulan mo ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-18-21-25-29-31.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mas maganda na nag-iisa ka dahil kapag may kasama ka, hindi ka makakaiwas na pasayahin sila. Lihim ka na namang magtatampo dahil ikaw ay hindi nila pinapasaya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-22-27-36-38-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maaantala ang iyong mabilis na pag-asenso dahil ang mga gagawin mo ngayon ay walang kinalaman sa pagpapatatag ng kabuhayan kundi pawang pag-aaksaya lamang ng panahon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-13-20-24-29-38-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi masama ang magbigay, ang masama ay labag sa loob ang pagbibigay. Nagbababala ang pagdapo ng karamdaman dahil dapat mong maunawaan na ang mga pilit na kilos ang nagbibigay ng karamdaman. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-22-23-35-40-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Umaayon sa mga kagustuhan mo ang langit. Ang totoo, kahit ang mga hindi pinapaboran ng malalapit sa buhay mo ay pinapaboran pa rin ng langit dahil sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Ito ang paalala ng kapalaran mo. Tips sa lotto-8-11-14-26-28-30.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung sarili mo lang, hindi mo kaya. Pero dahil lihim na ipinagdarasal ng mga taong malapit sa puso mo na sumaya ka, ang mga imposible ay makakaya mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-2-6-30-31-36-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ingatan mong mapaniwala ka na ang gusto lang naman ay muli kang maisahan. Hindi lahat ng mukhang nakakaawa ay talagang nakakaawa. Ito ang paalala para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-21-24-26-37-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Madali kang mabihag ngayon, kaya ang payo ay nagsasabi na huwag na huwag kang didikit sa nagpapakita sa iyo ng interes dahil ngayon ay mahina ka. Ito ang babala ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-25-27-36-39-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dadagdagan ng langit ang mga suwerte mo dahil inaakala mong hindi pa sapat ang mga ito. Sa ngayon, mapapatunayan na sadyang iba ang pagtingin sa iyo ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-20-23-26-31-32.




Comments