Horoscope | Enero 28, 2026 (Miyerkules)
- BULGAR

- 2 days ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | January 28, 2026

Sa may kaarawan ngayong Enero 28, 2026 (Miyerkules): Tulad ka ng mga halaman na kapag tinalbusan ay mas lalo pang lalago. Ito ang sikreto ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi maganda para sa iyo ang mapalapit sa mga negatibong tao. Gayunman, mapapansing hindi mo sila kayang tiisin. Pero kapag tuluyan kang napalapit sa kanila, babagal ang pag-usad ng iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-10-13-28-32-43.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Marami ang gustong lumapit sa iyo. Mas maganda ito, kesa mag-isa mong labanan ang mga hamon ng buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-9-16-30-34-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ka dapat masanay sa masasayang kaganapan. Madalas, ang pagliliwaliw ay nakakawala ng pokus. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-12-14-20-33-41.
CANCER (June 21-July 22) - Biglang sasaya ang buhay mo, at tuluyan nang mawawala ang mga kalungkutan mo. Kasabay nu’n, magbabago na rin ang kabanata, na kung saan ay makikitang desidido ka nang paunlarin ang buhay mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-19-27-29-36-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Makakatanggap ka ngayon ng premyo mula sa langit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-11-25-35-39-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Iba ka sa lahat! Ang hindi kaya ng iba ay kaya mo. Ang maseselang problema na hindi masolusyunan ng iba ay kakayanin mo rin. Kaya naman, marami ang sasaludo sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-17-20-26-31-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Pangunahan mo ang pagbabago, dahil ngayon na ang araw para matapos ang napakahirap na sitwasyon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-15-22-30-37-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lakasan mo ang loob mo. Pasukin mo ang proyektong nasa harapan mo. Huwag kang matakot, dahil aalalayan ka ng langit at makakaasa kang magtuluy-tuloy ang pag-asenso ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-11-18-21-34-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Masasaksihan mo ang pag-ani ng masasamang tao sa bunga ng kanilang kasamaan. Maaawa ka, pero huwag ka nang makisawsaw pa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-17-25-28-33-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Purihin mo ang dapat purihin at pasalamatan ang dapat pasalamatan. Maging tapat ka at aminin mo ang malaki mong natutunan sa buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-13-26-30-39-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kakaibang pormula ang hanapin mo. Huwag mong piliin ang mga pangkaraniwang ginagawa ng mga taong nagsisikap. Mas mainam kung kunin mo ang hindi pa nasusubukan. Masuwerteng kulay-ocher yellow. Tips sa lotto-5-14-19-28-32-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Malaki ang maitutulong sa iyo ng maiksing pagtakas mula sa mga problema. Makakapagpahinga ka, at sa iyong pamamahinga, mananariwa ang talino at lakas mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-11-20-34-39-41.







Comments