top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Enero 28, 2023 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 28, 2023
2 min read

Updated: Jan 29, 2023

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 28, 2023


Sa may kaarawan ngayong Enero 28, 2023 (Sabado): Kitang-kita ng mga nasa paligid na sunod ang layaw mo. Ibig sabihin, mas suwerte ka kaysa sa mga pangkaraniwan na sobrang naghihirap para lang mabuhay.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Parang mga patak ng ulan sa tag-ulan ang katumbas ng suwerteng darating sa iyo ngayon. Ang isa pang masuwerteng balita, bubuhos na rin ang magagandang bagay sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-28-20-21-24-27.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Araw mo ngayon, kaya anumang hilingin mo sa langit, tiyak na ito ay mangyayari. Ingatan mong humiling para sa ikasasama ng iyong kapwa dahil ito ay maaari ring mangyari. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-20-22-23-28-30-33.

GEMINI (May 21-June 20) - Nakakasilaw ang kislap ng liwanag. Binabalaan ka nito na puwede kang masilaw sa sariling kislap ng iyong buhay, kung saan aakalain mong hindi na matatapos ang masasayang kaganapan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-19-27-31-39-42.

CANCER (June 21-July 22) - Umaawit ang ibon dahil siya ay pinaghaharian ng pag-ibig. Maririnig ang awit ng pag-ibig dahil sadyang para sa iyo ang nakakaakit na himig, kaya ikaw ay mapapaibig. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-10-14-15-25-34.


LEO (July 23-Aug. 22) - Narinig mo ba ang balita na nahuhulog ang mga bulalakaw ngayon mula sa langit? Ang mga mapagmalaki ay nagsisibagsak. Iwasan mong maging mapagmataas at magyabang nang hindi ka mapabilang sa kanila. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-16-20-23-28-38-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ito ang araw na marami ang lihim na hahanga sa iyo, kung saan kokopyahin nila ang mga diskarte mo at isasabuhay ang magagandang salita na naririnig sa mga labi mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-23-26-29-36-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Lumilipas ang lahat ng bagay sa mundo. Kaya hindi totoo na hindi lilipas ang lungkot mo at kaya lang naman nagtatagal ay dahil kumakapit ka at hindi pa matanggap ang mga nangyari. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-22-27-28-37-39.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumikilos ang langit para sa kabutihan mo. Kahit hindi mo pa gaanong maunawaan, tuloy-tuloy na inaayos ng langit ang iyong kapalaran. Mas mabuting magpasalamat ka sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-19-24-26-27-30.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka dapat malibang at maagang magsaya sa magagandang balita na naririnig mo na pumapabor sa iyo. Ituloy mo lang ang pagsisikap na parang ngayon ka pa lang nagsisimula. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-17-28-32-34-36.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Matibay ang punong malalim ang kapit ng ugat sa lupa. Matibay ka ngayon dahil nagbabalik sa iyo ang mga aral na natutunan mo mula sa iyong mga karanasan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-6-17-29-30-35.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabibilis ang dating ng mga suwerte sa buhay, kung saan ang mga nagnanais na mabigo ka ay magugulat at mamamangha dahil hindi na nila kayang mahadlangan ang mga suwerte na dumarating sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-20-21-23-25-27.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kunin mo ang para sa iyo at ang mga ito ay ang suwerteng lumagay sa harapan mo. Ito ang pagkakataong inalok sa iyo na magpapaganda sa buhay mo. Muli, kunin mo dahil ito ay para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-18-21-29-31-38.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page