top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Horoscope | Enero 28, 2021 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 28, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 28, 2021



Sa may kaarawan ngayong Enero 28, 2021 (Huwebes): Kabilang ka sa iilang likas na masuwerte na para bang kusang nagdaratingan ang iyong magagandang kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Dadalawin ka ng hindi lang isang suwerte. Marami ang mga ito at ang iba ay mananatili sa iyo hanggang sa lubusang matupad ang mga ambisyon mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-22-28-30-33-36.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung saan ka sasaya, roon ka dahil sa mga sandali na ikaw ay masaya hanggang sa masayang-masaya, ang magagandang bagay ay magdaratingan sa iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-20-26-39-40-41.

GEMINI (May 21-June 20) - Lumayo ka sa mga paladaing, hindi dahil maiisahan ka na naman kundi dahil sila ay tulad ng sakit na nakakahawa. Ito ang mensahe at payo ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-12-17-21-23-28-34.


CANCER (June 21-July 22) - Isuot mo ang paborito mong damit kahit medyo luma na dahil ito ang magsisilbing malakas mong pampasuwerte ngayon. Gawin mo ito, ngayon na. Ito ang payo para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-19-25-26-33-38.

LEO (July 23-Aug. 22) - Suwerte ka ngayon at lalo kang susuwertehin kapag may mga hindi naniniwala na masuwerte ka at panay ang kontra at hindi magaganda ang mga sinasabi sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-23-30-31-39-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ilabas mo ang bagay na buo pa pero sobrang luma na nasa iyong taguan. Kahit hindi mo ito gamitin, basta ito ay iyong linisin. Guguhit sa kapalaran mo ang nakamamanghang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-22-25-27-37-42.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mahirap gawin, pero ‘pag nagawa mo, malalaking suwerte ang mapasasaiyo. Ito ay nagsasabing patawarin mo na ang dahilan ng nararanasan mong masaklap mong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-12-20-28-31-32-35.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Namamahinga lang ang mga suwerte at kapag nakapahinga na ng sapat sa kanilang muling paglitaw, hindi lang ikaw ang mamamangha at magugulat dahil ang lahat ay makikinabang. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-22-29-30-33-38.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tanggapin mo ang ibibigay sa iyo kahit hindi mo kailangan at ayaw mong bigyan dahil ito mismo ang magsisilbing pampasuwerte mo sa mahabang panahon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-22-29-38-40-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi mahalaga kung kumilos ka o hindi para sa iyong pangarap sa buhay. Dahil noon pa man, nagpasya ang langit na kahit ano ka ay mapasasaiyo ang mga pangarap mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-15-29-32-36-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi maganda para sa iyo na nag-iisa kang namamasyal dahil ang mga suwerte ay guguhit sa kapalaran mo sa mga oras na may mga kasama o kakuwentuhan ka. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-22-24-28-38-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magbawas ka ng ilang gamit na bihira mo nang gamitin. Ipamigay mo ito sa iyong kapwa at magugulat ka dahil bibigyan ka ng langit ng mga makabagong kagamitan na labis mong ikatutuwa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-10-19-21-25-29-33.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page