top of page

Horoscope | Enero 27, 2026 (Martes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 22 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | January 27, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Enero 27, 2026 (Martes): Abot-kamay mo na ang malalaking ambisyon. Kaya ang payo, huwag kang mag-alala at matakot kapag sobrang taas ng hangarin mo, dahil tiyak na mapapasaiyo rin ito.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon ang araw mo at ang ilang araw pang darating ay para pa rin sa’yo. Gawin mo na ngayon ang mga planong hindi mo naituloy dahil pinanghinaan ka ng loob. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-19-24-27-33-41.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bibigyan ka ng langit nang sapat na lakas ng loob para maumpisahan mo na ang noon mo pa gustong proyekto. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-18-22-26-35-43.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Piliin mo kung saan ka nahihirapan. Hindi na dapat maulit pa ang pagpili mo sa mga bagay na madadali, na sa huli ay matinding kalungkutan at pagsisisi lang naman ang matatamasa mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-14-25-31-38-44.

 

CANCER (June 21-July 22) - Muli kang didikitan ng mga taong ayaw mo. Masasabi bang ikaw ay mahina? Hindi, dahil sadyang napakalakas lang ng gayuma mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-12-28-30-36-45.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Maluwag at walang mga sagabal sa landas ng buhay na iyong tinatahak. Kapag may nagtangkang harangan ka, langit mismo ang makakalaban nila. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-18-20-33-37-42.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong hanapin ang suwerte mo dahil ito ay kusang lalapit sa iyo. Kapag hinahanap mo ang suwerte, baka hindi mo pa ito makita at baka malas pa ang mapunta sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-11-19-23-32-40.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ayaw mo, ayawan mo. Nagbabala ang araw na ito na ‘pag pinagbigyan mo ang mga bagay na ‘di mo gusto, maaaring hindi ka maniwala, ito ay magugustuhan mo rin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-10-15-25-38-41.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hawak mo ngayon ang kapalaran mo. Kaya mas maganda kung pagtutuunan mo ng pansin kung paano ka aasenso. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-1-13-16-20-39-44.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumuha ka ng payo sa mga taong alam mong higit na may kaalaman kesa sa iyo. Huwag mong kakaligtaan na ang tagumpay ay madalas hindi nakukuha sa palakasan ng loob. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-14-18-21-35-42.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hintayin mo ang umalis, dahil tiyak na siya’y babalik din. Sa katunayan, magmamadali pa siyang bumalik sa buhay mo dahil mamumulat ang kanyang mga mata sa kanyang pagkakamali. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-17-25-30-34-40.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magparaya ka. Ang nauuna, una ring nabibigo. Sa mga unang kabiguan makakakuha ka ng aral sa buhay na magsisilbing gabay at magbibigay ng garantiya na hindi ka matutulad sa kanila. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-16-20-25-37-43.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dumikit ka sa mahihirap na labanan at hamon ng kapalaran. Sa ganitong paraan, tatapang at magtatagumpay ka sa bawat laban ng iyong buhay. Tandaan mo, ang susi sa kapalaran mo ay ang pagiging matapang, at ito rin ang daan sa tagumpay at ligaya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-22-28-30-33-41.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page