top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Enero 27, 2025 (Lunes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 27, 2025
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Jan. 27, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Enero 27, 2025 (Lunes): Kailangan mong harapin at talunin ngayon ang hamon sa iyo ng kapalaran. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ilaban mo ang suwerte mo, nang sa gayun ay makatanggap ka ng malaking panalo. Makakaasa ka na kapag hindi ka bumitaw, ang tagumpay ay mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-18-21-29-35-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magbabago na ang pakiramdam mo at unti-unti ka nang magiging seryoso, ito ang paghahanda sa maraming araw na darating. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-20-24-33-39-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Mananatili kang bata, hindi lang physically, mentally, kundi maski ang puso’t kalooban mo. Ito ang mas magpapaganda sa iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-14-23-27-35-38.


CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong kalimutan na kapag pinalaya mo ang iyong damdamin, ang kaligayahan ay muling mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-16-22-25-34-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi pa nagbabago ang takbo ng kapalaran mo. Kaya naman, patuloy mo pa ring mararamdaman ang pagmamahal sa iyo ng iyong kapwa. Ito ang mensahe ng kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-13-29-32-38-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Simulan mo na ngayong sanayin ang sarili mo na kumilos base sa ambisyon mo. Mas maaga kang magsimula para mas mabilis mo itong matupad. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-5-9-18-23-36-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Habang nagsasaya ka, buksan mo rin ang iyong isipan, dahil ang magandang pormula ng tagumpay ay nakukuha sa pagsasaya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-16-25-27-33-35.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ingatan mo ang nasa sa iyo na. Hindi lang sa pakikipagrelasyon nagagamit ang ganitong payo, dahil kahit sa mga materyal na bagay na hawak muna ay isabuhay mo rin ang ganito. Ingatan mo ito upang lalo ka pang umunlad at yumaman. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-17-21-28-30-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ngayon ka na mag-asikaso ng mga bagay na gusto mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-19-23-37-40-45.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hadlang sa tagumpay ang pagiging maramdamin. Huwag mong hayaan na talunin ka ng iyong emosyon, mas maganda kung kikilos ka ng may positibong pananaw. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-17-26-29-32-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mo nang balikan ang nakaraan, ang mga pangarap na lumipad ay hayaan mo nang mawala at tangayin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-18-20-28-36-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Buksan mo ang iyong isipan sa mga bagay na puwede mo pang gawin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-15-29-32-38-40.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page