Horoscope | Enero 26, 2023 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 26, 2023
Sa may kaarawan ngayong Enero 26, 2023 (Huwebes): Walang pagsubok na hindi mo malalagpasan. Gayundin, makakaasa ka na makukuha mo ang anumang bagay na gusto mo sa ibabaw ng mundo. Ito ang iyong kapalaran ngayong araw ng iyong kapanganakan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pinatatag ka ng langit dahil inihahanda ka para hindi masayang ang magagandang oportunidad na darating sa iyong buhay. Kung hindi ka magiging matatag, masasayang ang lahat. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-15-29-30-36-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumapit ka sa mga aral sa buhay na iyong natutunan sa nakaraan. Ito ang susi para hindi ka na muling masaktan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-16-21-25-31-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Ituloy mo lang ang iyong diskarte kahit parang wala itong epekto. Minsan, ang magandang resulta ay hindi agad nakikita. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-19-21-27-29-30.
CANCER (June 21-July 22) - Ipaglaban mo ang nasa iyo. May mga ipinaglalaban ang iba kahit wala naman silang karapatan. Ikaw ang mananalo at mananaig. Muli, ipaglaban mo ang nasa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-15-16-25-28-35.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang magtiwala sa kahit na sino. Marami ang gustong maisahan ka dahil alam nila na madali kang lapitan at hingan ng tulong. Makiramdam ka nang husto dahil ito ang babala para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-20-31-38-40-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hahamunin ka ng iyong kapalaran. Titingnan nito kung gaano ka kahusay sa paglutas ng mga problema. Napahanga mo ang marami sa mga nakaraang nangyari dahil sa iyong kakaibang talino. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-16-18-28-37-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bibigat ang iyong kalooban at ang damdamin mo ay mapupuno ng lungkot. Pansamantala lang ang mga ito dahil biglang gaganda ang lahat para sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-17-19-22-25-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Malalim ang iyong kabaitan. Sa sobrang lalim nito, ang mga nasa tabi mo ay hindi makapaniwala na ang hindi nararapat sa iyo ay pinagbibigyan mo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-2-19-26-30-31-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bago ka magsimula sa bagong proyekto, ihanda mo muna ang lahat. Nabibigo ang marami dahil sila ay sugod nang sugod nang hindi nakapaghanda. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-16-25-26-34-37.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ito ang araw na espesyal para sa iyo dahil ang espesyal mong kahilingan ay papaboran ng langit. Ito ay isa-isang matutupad at itatala sa aklat ng iyong buhay na ngayon ay labis mong ikatutuwa. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-15-27-28-30-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mahalin mo ang iyong kaaway. Ito ay banal na utos na talagang mahirap maunawaan, ngunit ipinapayo pa rin sa iyo dahil kapag ginawa mo, susuwertehin ka. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-20-23-24-39-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong habulin ang umalis. Hayaan mong siya ay nasa mali dahil hindi nagtatagal ang tao sa maling mundo. Siya ay magbabalik sa tama at babalik din sa iyo. Ito ang kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-20-21-27-38-42.




Comments