Horoscope | Enero 26, 2021 (Martes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 26, 2021
Sa may kaarawan ngayong Enero 26, 2021 (Martes): Bawat pagsubok na iyong makakaharap, may nakalaan para sa iyo na magagandang kapalaran. Ito ay higit na maganda sa iyong inaasahan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Babagal at parang hirap kang makausad. Ito ay sa dahilang kumukuha ng malakas na buwelo ang mga suwerte upang maiwanan mo nang milya-milya ang mga karibal mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-20-23-29-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lumayo ka sa mga palaangal, reklamador at mga taong negatibo. Wala kang mapapala sa kanila kundi ang mahawa sa sobrang pangit nilang kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-21-24-28-32-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Iwasan mong uminit ang iyong ulo dahil madalas mangyari na kapag mainit ang ulo mo, nagkakamali ka sa iyong mga pagpapasya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-29-31-38-40-42.
CANCER (June 21-July 22) - Hihinto sandali ang takbo ng iyong buhay dahil sisingit muna ang mga gawaing may kabanalan. Suriin mo ang iyong sarili at makikita mo ang ilang mali sa nangyayari sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-26-28-30-33-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit hindi mo gaanong gusto, aalalayan mo pa rin ang isang mahina kung saan ang kanyang kahinaan ay iyong kinaiinisan. Wala pa ang panahon para ayusin niya ang kanyang sarili. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-15-22-25-26-34-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pahinga ang kailangan mo sa katawan at isip. Mas magandang mamasyal sa maaliwalas na taniman na may sariwang ihip ng hangin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-21-29-39-40-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gaganda ang takbo ng iyong kapalaran, pero ngayon, hindi maiwasan na makaranas ka ng parang ang nahihila mo ay maling tao. Wala silang epekto sa pagpapaganda ng buhay mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-13-33-38-40-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tahimik ang paligid kahit may ilang nag-iingay. Ito ang hiwaga ng mga araw ngayon na nagsasabing, pagkatapos ng iyong katimikan, kasunod ang pananariwa ng kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-28-30-33-35-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ngayon ang tamang pagkakataon para muli mong suriin ang mga plano mo nang sa gayun ay isaayos mo para sa lalo pang ikagaganda ng iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-10-11-16-28-30-32.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Papalakas ang taglay mong kapangyarihan na sobra pa sa sapat para hindi makaporma ang mga negatibong puwersa na gusto kang talunin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-12-20-22-25-28-39.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ramdam mo ang nagdaratingang masuwerteng araw, kaya mapapansin na nagpaplano ka na ng pagsasaya at paglalakwatsa. Ituloy mo kung ano ang iyong gusto. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-16-27-31-37-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang makinig sa malungkutin. Dumikit ka sa masasaya dahil higit kaninuman, ikaw ay may karapatang magsaya at magdiwang kasama ang ilang malalapit sa puso mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-22-24-25-30-42.




Comments