top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Horoscope | Enero 25, 2023 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 25, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 25, 2023


Sa may kaarawan ngayong Enero 25, 2023 (Miyerkules): Hinihintay ka ng mga suwerte mo sa malayong lugar, kaya obligado kang mangibang-bansa. Muli, nasa malayong lugar ang suwerte mo. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon ang araw na nasa mataas na antas ang iyong malikhaing kaisipan. Mapapakinabangan mo ito sa trabaho at pagpapaunlad ng kabuhayan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-10-19-20-24-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magmumula sa malayo ang mga suwerteng paparating sa buhay mo. Ang mga ito ay magsisilbing susi para makapagsimula ka ng mas magagandang proyekto. Masuwerteng kulay-beige.Tips sa lotto-3-12-16-20-35-38.


GEMINI (May 21-June 20) - Matutukso kang baguhin ang mga plano mo. Dahil ito ay isang klase ng tukso, ibig sabihin, hindi makabubuti kapag binago mo ang mga naunang laman ng iyong isip. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-14-15-29-31-32.


CANCER (June 21-July 22) - Nakabukas ang puso mo ngayon. Puwede mong papasukin ang magpapadama sa iyo ng pagtingin kahit hindi mo siya gaanong kilala at gusto. Ito ang payo ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-22-28-36-38-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Ito ang araw na sunod-sunod na suwerte ang darating sa iyo, lalo na sa materyal na bagay. Kaya lang, may dapat kang gawin. Lumabas ka ng bahay at huwag kang makuntento sa iyong comfort zone. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-22-25-27-36-38-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Buksan mo ang komunikasyon sa mga gustong maging bahagi ng iyong buhay. Sa ganitong paraan, makikilala mo sila nang husto at mapag-aaralan mo ang kanilang motibo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-16-19-21-24-29.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Malakas ang kakayahan mo ngayon na mapasunod ang mga nasa paligid mo, lalo na ‘yung sobrang malapit sa iyo. Ngayon mo na sila pasunurin sa kung ano ang tama at mabuti. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-21-25-27-38-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang nahahawakan ng mga kamay mo, ‘yun lang ang para sa iyo. Huwag mo nang bilangin ang wala sa harapan mo, gayundin ang mga paparating pa lamang pa sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-19-20-22-28-35-36.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mahihirapan kang tapusin ang mga dapat tapusin kapag patuloy mong pinansin ang magaganda at bagong ideya na labas-pasok sa isip mo. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-13-17-28-39-40-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kumilos ka na parang hindi ka naaapektuhan ng mga problema. Magugulat ka dahil maglalaho ang mga ito kahit ang iyong mga problema ay malalaki at mabibigat. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-17-22-25-27-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong pansinin ang mga nasa malayo dahil masasayang lang ang mga oras at araw mo sa kanila. Bagkus, pahalagahan mo ang mga nasa malapit dahil sila ang magbibigay sa iyo ng suwerte. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-23-26-28-30-38.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Iyong-iyo ang araw na ito. Kung ano ang gusto mo, ‘yun din ang gugustuhin ng langit. Huwag mong kalimutan ang mga tao na minsang nakatulong sa mga problema mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-14-25-38-32.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page