top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Horoscope | Enero 25, 2021 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 25, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 25, 2021



Sa may kaarawan ngayong Enero 25, 2021 (Lunes): Malayo ang iyong mararating, ibig sabihin, marami ang tagumpay na mapasasaiyo at iiwanan mo nang milya-milya ang iyong mga kakumpitensiya at karibal.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Simple at madali lang para dumapo sa iyo muli ang mga suwerte at ito ay nagsasabing sa malayo ka tumingin at magdaratingan ang iyong magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-10-23-39-40-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung ano ang laman ng isip mo, ‘yun ang mangyayari sa iyo. Kaya bakit ka mag-iisip ng mga negatibong pananaw? Ang ilagay mo sa isip mo ay ang magagandang bagay. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-11-15-18-22-25.


GEMINI (May 21-June 20) - Babagal ang ikot ng iyong mundo dahil hindi mo maiiwasang mag-isip ng kung anu-ano. Gayundin, ito ay nagbababala na maraming oras ang mauubos sa iyo na dapat ay ikinilos mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-20-21-24-26-34.

CANCER (June 21-July 22) - Lakasan mo ang iyong loob. Sa malayo, mas gaganda ang kapalaran mo, kaya inirerekomenda na ikaw ay mag-abroad. Muli, ngayon ay dapat mong lakasan ang iyong loob. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-22-23-27-30-33-37.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ihanda mo ang iyong sarili sa nagdaratingang mga suwerte. Kapag hindi ka naging maingat at masinop, masasayang ang mga biyayang ipagkakaloob sa iyo. Ito ang paalala para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-18-25-28-31-32.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kahit wala kang pupuntahan, ang payo ng iyong kapalaran ay isuot mo ang damit mong panlakad. Ikaw ay magugulat dahil kusang lalapit sa iyo ang magagandang bagay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-21-29-32-37-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bawasan mo ang iyong pagpapantasya dahil mas marami sa inilalarawan mo sa iyong isip ang natatangay ka lang ng magagandang pangako sa hinaharap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-22-25-33-37-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ipanatag mo ang iyong loob. Huwag mong kalimutan na ang langit ay hindi ka pababayaan. Uunawain ka Niya dahil walang hanggan ang Kanyang pang-unawa. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-18-19-24-27-34.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Taglay mo ngayon ang malikhaing kaisipan at sobra ito sa sapat para magamit mo sa iyong mga plano sa buhay. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-14-16-28-35-38.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag ka basta-bastang maniwala sa magagandang salita. Mas maganda na huwag mong paniwalaan ang mga ito dahil ang mga nanlilinlang ay gagamit ng sobrang magandang salita. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-15-17-24-36-39.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pansamantala, huwag ka munang lumayo dahil ang mga suwerte mo ay dadalawin ka kung saan ka man naroon. Muli, huwag ka munang lumayo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-23-24-28-39-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Makipagsapalaran ka dahil nagpapatuloy ang iyong pagiging masuwerte. Puwede ka ring makipagsapalaran sa larangan ng pakikipagrelasyon. Ang pakikinabang ay para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-17-25-26-37-40.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page