top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Horoscope | Enero 24, 2021 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 24, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 24, 2021



Sa may kaarawan ngayong Enero 24, 2021 (Linggo): Maghahari sa kapalaran mo ang kagandahan. Kung hindi sinasadyang masingitan ng hindi magagandang pangyayari, kikilos ang iyong kapalaran para ang mga ito ay pagandahin.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli kang napaliligiran ng mga tukso at kung hindi ka mag-iingat nang husto, masisira ang buhay mo at mahihirapan kang maibalik ang ganda ng magandang buhay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-20-26-30-33-36.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon ang araw mo. May kani-kanyang takdang panahon para sa lahat dito sa mundo at may kani-kanya ring araw ang bawat tao. Muli, ngayon ay araw mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-21-24-28-29-30.


GEMINI (May 21-June 20) - Maging seryoso ka sa bawat gusto mong gawin. Dahil kahit pa makuha mo ang iyong gusto, kung hindi ka naman naging seryoso, mawawalan rin ang saya na iyong nakamit. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-16-25-26-39-41.


CANCER (June 21-July 22) - Nasa mataas na antas ang iyong pagmamahal. Sa biglang tingin, maganda ang ganitong kalagayan, pero ito rin ay nagbababala ng posibleng pandaraya sa sarili. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-20-21-29-30-31-36.


LEO (July 23-Aug. 22) - Nasanay kang magbigay nang magbigay sa nagpapasaya sa iyo, pero ngayon, kahit ang nagbibigay sa iyo ng lungkot ay bibigyan mo pa rin ng pabor. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-15-27-34-38-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi ka makikinig sa payo ng malalapit sa iyo na pag-aralan mo munang mabuti ang papasukin mong negosyo dahil aakalain mo na sapat ang kakayahan mo at ikaw ay nakahanda na. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-18-20-24-28-33.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nagbabalita ang araw na ito na kakaibang saya ang iyong madarama mula sa munting kabutihang ipakikita sa iyo. Ibabalik mo sa nagpasaya sa iyo ang isang malaking pasasalamat. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-21-23-32-37-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Naghahanda ang langit ng malalaking suwerte na ireregalo sa hindi mo pagsalungat sa dikta ng iyong kapalaran na muli mong mahalin ang dating minahal mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-17-22-27-30-35.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kasing dami ng mga bulalakaw sa kalangitan ang magdaratingan sa iyong kapalaran. Ang mga kabiguan, lungkot at hinanakit ay maglalahong lahat. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-18-24-29-37-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nang matulog ka, malungkot ka pero nang ikaw ay magising, sobrang masaya. Sa nakaraan, parang natulog ang iyong kapalaran, pero ngayon, sisigla ka dahil ang buhay mo ay gaganda. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-17-27-34-38-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Malilibang ka sa masasayang pangyayari na sumasaiyo ngayon. Dapat mong maunawaan na ang nalilibang ay nakalilimutan ang paghahanda sa kinabukasan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-21-25-28-39-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magpapatuloy ang suwerte mo. Ibig sabihin, mahaharap ka sa hindi magagandang pangyayari kung saan bigla kang susuwertehin at mawawala ang iyong kaba at nerbiyos. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-22-26-31-38-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page