Horoscope | Enero 23, 2026 (Biyernes)
- BULGAR

- 3 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | January 23, 2026

Sa may kaarawan ngayong Enero 23, 2026 (Biyernes): Napag-iiwanan ang mababagal, pero dahil hindi ka mabagal, hindi ka mapapabilang sa kanila. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bawal kang mag-alinlangan ngayon. Kaya ituloy mo lang kung ano ang gusto mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-10-21-27-32-43.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon na ang araw para simulan ang matagal mo nang binabalak na negosyo. Kung may gusto ka pang palaguin, ngayon na ang araw para palaguin ito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-17-20-29-36-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Kakaiba ang araw na ito. Kikilos ang mga lihim mong kaaway para pabagsakin ka, pero sa hindi inaasahang pangyayari, sila ang babagsak. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-11-16-23-33-45.
CANCER (June 21-July 22) - Ikilos mo ang katawan mo nang may sigla, saya, at tiwala sa sarili. Dahil ito ang susi para dumikit sa’yo ang suwerte. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-1-13-28-32-37-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ingatan mo ang bawat galaw mo. May babala na baka sa huli mo na mapansin na naubos na pala ang pera mo sa walang kuwentang bagay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-18-26-34-38-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kikislap ang isip mo ngayon. Matutuklasan mo ang mabilis na pormula para mas lalo pang umangat ang kalagayan mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-14-22-24-35-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bibilis ang kilos ng mga tamad ngayon. Kaya dapat mas mabilis ka, dahil kung babagal-bagal ka, maaabutan ka nila. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-17-22-27-36-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sa tuwing nagpapalit ng balahibo ang mga ibon, nananariwa ang mga lakas nila. Palitan mo rin ang pormula sa negosyo upang suwertehin ka. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-10-16-26-33-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung saan tumatambay ang masasayang tao, nandu’n din ang suwerte mo. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-15-26-37-39-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong hayaang matalo ka ng mga mapapait na karanasan. Dumikit ka sa mga palabiro, mahaharot, at palakuwentong tao. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-17-21-26-34-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sosobra ang tiwala mo sa sarili dahil sa dami ng magagandang nangyayari sa buhay mo. Ngunit, mag-ingat ka pa rin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-7-11-23-29-36.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nahuhulog ang bunga kapag hinog na. Ganu’n din sa puso, may matagal nang humahanga sa’yo na gagawa ng paraan upang mapalapit sa’yo, at paniguradong magiging kayo rin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-19-22-25-38-41.







Comments