top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Enero 23, 2023 (Lunes)

BULGAR
Jan 23, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 23, 2023


Sa may kaarawan ngayong Enero 23, 2023 (Lunes): Magiging mabilis ang iyong pagyaman kung tututukan mo ang paghahangad. Babagal naman ang iyong pagyaman kapag ang ibang lakas mo ay napunta sa ibang aspeto ng iyong buhay.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bilis ang kailangan mo ngayon, kaya huwag kang mag-isip nang sobrang tagal. Mas maganda na kumilos ka nang kumilos. Sa ganitong paraan, hindi papasok ang pag-aalinlangan sa iyong puso. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-10-23-29-35-40.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Makialam ka. Hindi puwedeng manood ka lang sa mga nangyayari sa iyong harapan. Sa iyong pakikialam, huwag kang magpatangay sa iyong emosyon, katwiran ang iyong ipaglaban at sakyan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-10-13-28-30-32-35.

GEMINI (May 21-June 20) - Magagawa mo ang anumang gusto mo, dahil alam ng mga kontrabida sa buhay mo na sila ay palaging talo sa iyo. Huwag mo silang intindihin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-19-22-26-28-34.

CANCER (June 21-July 22) - Kumukupas ang lahat ng bagay at ang kukupas ngayon ang lakas ng iyong mga kaaway. Kumbaga, hihina sila kaya sa huli, susuko at mapapahiya sila sa kanilang sarili. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-20-21-26-27-33.


LEO (July 23-Aug. 22) - Masisingitan ka ngayon ng masyadong makulit dahil sa labis mong kumpiyansa na siya ay walang magagawa para ipilit ang kanyang gusto. Ito ang babala ng kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-17-22-25-37-38.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi na mahalaga kung tama o mali ang gusto mong mangyari. Noon pa nagpasaya ang langit na tama ka man o mali, ang araw na ito ay sadyang para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-16-24-27-33-39.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit ikaw ay mamamangha sa bilis ng mga pangyayari. Higit kang magugulat sa mga taong noon pa man ay gusto ka nang mabigo. Ngunit habang hinahangad nilang mabigo ka, ang malalaking suwerte ay mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-20-21-23-37-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung sino ang may mabilis na katangian, sa kanya ka sumabay. Makakaasa ka na mabilis ding mapasasaiyo ang kaligayahan at maunlad na buhay. Muli, sumabay ka sa mabilis. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-4-8-15-16-27-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ito ang araw na itinakda ng langit upang ikaw ang manguna at mamuno. Huwag kang tatanggi sa nasabing alok ng nasa itaas. Pagkakataon mo na ngayon upang tuloy-tuloy na sumikat at umunlad nang todo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-11-18-20-32-34.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ang lahat sa mundo ay nagbabago. Ang magbabago para sa iyo ay ang biglang pagbait at pagbalik ng espesyal na pagmamahal ng iyong karelasyon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-18-21-22-24.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Marami ang mag-iisip na sila ay nakalimutan mo na dahil sa biglaang pagganda ng iyong buhay. Huwag mong kalimutan ang mga tao na tumutulong sa iyo hanggang ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-13-15-29-30-31.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong kalimutan na ang ehersisyo ay mahalaga sa tao. Muli kang sisigla kung magbabanat ka ng mga buto. Sa panahon ngayon, hindi puwede na pabayaan mo ang iyong kalusugan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-14-15-29-33.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page