Horoscope | Enero 22, 2026 (Huwebes)
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | January 22, 2026

Sa may kaarawan ngayong Enero 22, 2026 (Huwebes): Mas malakas ka kesa sa iba. Kaya mataas ang posibilidad na magtagumpay, yumaman at maging masaya ka habambuhay. Ipinapaalala lamang ng langit na gamitin mo ang iyong lakas at kakaibang suwerte para sa kinabukasan ng iyong pamilya.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Humingi ka ng tulong sa may kakayahan. Hindi masama ang humingi ng tulong; ang masama ay ang pananaw na hindi mo kailanman kailangan ang tulong ng iba. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-20-27-31-36-44.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dapat mong tanggapin ang reyalidad na paminsan-minsan, nagaganap talaga ang hindi pagkakaunawaan. Ito ang mensahe sa iyo sa araw na ito. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-19-28-30-37-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Mabilis na babalik sa’yo ang mga suwerte na pinalagpas mo dahil masyado kang abala sa nakaraan at sa maling pakikipagrelasyon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-10-14-24-31-43.
CANCER (June 21-July 22) - Ngayon mo higit kailangan ang positibong pananaw, lalo na’t hindi magagandang bagay ang nagaganap sa iyong paligid. Kapag naging positibo ka na, makikita mo ang sunud-sunod na suwerteng darating. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-12-20-23-33-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kapag hindi sila nakiisa, huwag mo nang pilitin. Kapag pinilit mo silang makasama, dadagdag lang sila sa problema mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-11-25-32-35-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lumagay ka sa gitna. Isa ka sa mga tagapamagitan sa mundo, ang tagapamagitan ay laging nasa gitna. Sa ganitong paraan, maaayos mo ang anumang gulo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-5-18-21-30-37-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong talikuran ang masayang personalidad at kabaitan mo, dahil malaki ang maitutulong nito para pagpalain at lalo ka pang suwertehin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-13-22-28-32-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi mo kailangan ng dagdag na kaibigan, lalo na kung magiging pabigat lamang sila. Mamili ka ng mga makakatulong sa iyo para makamit mo ang pangarap mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-17-29-36-38-40.
SAGITTARIUS (Dec. 22-Jan. 19) - Masikip ba ang mundo mo at dama mo bang hindi ka makausad? Bigyang-luwag mo ang iyong sarili, at unahin ang magagaan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-14-20-26-34-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Makikita mo sa galit ng iba ang larawan ng iyong pagkatao. Kaya huwag mo silang aawayin; sa halip, pakitaan mo sila ng kabutihan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-10-19-27-39-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Masuwerte ka ngayon. Alam mo kung sino naman ang mamalasin? Sino pa nga, eh ‘di ‘yung lihim na naghahangad na mabigo ka. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-13-17-23-37-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung kaya mo, gawin mo na ang gusto mo. Bakit ka pa hihingi ng tulong sa mga taong hunghang, na ang iniisip lang ay gantimpala kapalit ng tulong. Hindi na, uy! Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-18-20-31-38-45.







Comments