Horoscope | Enero 22, 2025 (Miyerkules)
- BULGAR

- Jan 22, 2025
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Jan. 22, 2025

Sa may kaarawan ngayong Enero 22, 2025 (Miyerkules): Huwag mong sayangin ang pagiging suwerte mo. Sa halip, magpagamit ka sa iba para mas gumanda ang takbo ng buhay mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong pagsabay-sabayin ang mga gusto mong gawin. Unahin mo ang madadali at isunod mo ang medyo mahirap. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-10-23-29-33-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nasa iyong mga kaibigan ang mga suwerte mo. Kaya naman, huwag mong kaligtaan na magpasalamat sa kanila. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-14-19-25-34-44.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang mangako kapag masaya ka. Dahil kapag masaya ang isang tao, kahit hindi nila kaya ang isang bagay ay naipapangako nila. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-10-21-23-40-44.
CANCER (June 21-July 22) - Masarap balikan ang nakaraan, pero hindi ka puwedeng mabuhay ru’n. Kaya naman, mas pahalagahan mo pa rin ang hinaharap. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-11-18-28-36-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ibaba mo ang iyong sarili. Sa totoo lang, mas mataas ang personalidad mo kesa sa mga taong nasa paligid mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-17-25-30-33-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Iwasan mong magalit. Walang magandang ibinubuga ang galit at maaari pang masira ang diskarte mo kapag ito ang inuna mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-16-20-27-37-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Maghintay ka at huwag kang mainip. Ang mga taong nagmamadali ay hindi lang nadadapa, bagkus nagsisisi rin sila sa huli. Higit kailanman, ngayon ka dapat maging kalmado. Masuwerteng kulay-tangerine. Tips sa lotto-3-18-21-30-33-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Gawin mo kung ano ang gusto mong gawin. Sapat na ang kaalaman at likas mong talino para magawa mo ang gusto mong gawin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-20-22-25-39-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang magbulag-bulagan. Ang magagandang ginagawa ng mga tao ay pasalamatan at purihin mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-12-19-28-35-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Iba’t iba ang kulay ng tao. May kulay ng kadiliman at kabutihan. Gayunman, maging tapat ka sa sarili mo at huwag kang makihalubilo sa mga hindi mo naman kakulay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-17-25-30-36-44
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang papayag na mamuhay mag-isa. Anuman ang maranasan mo ngayon, kumilos ka pa rin ng positibo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-11-14-26-24-32.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dalawa ang kamay at mata natin, pero iisa lang ang puso natin, ibig sabihin hindi maganda kung marami kang mamahalin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-13-20-29-34-43.



Comments