Horoscope | Enero 21, 2026 (Miyerkules)
- BULGAR

- 1 day ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | January 21, 2026

Sa may kaarawan ngayong Enero 21, 2026 (Miyerkules): Magtiwala ka sa iyong kapalaran, dahil pinapangako ng langit na ang iyong mga pangarap ay lubos na matutupad. Ito ang mensaheng hatid ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Patatagin mo ang iyong sarili. Ang pakiramdam na tila hindi umuusad ang iyong buhay ay palatandaan lamang na kumukuha lang ng buwelo ang iyong suwerte. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-12-28-30-37-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - May malaking suwerte na humahabol sa iyo. Kaya ihanda mo ang iyong sarili na itakwil ang mga negatibong pananaw na namamahay sa iyong isipan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-17-21-29-35-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Ayusin mo muna ang sarili mong mga problema. Ang magagandang kapalaran ay lumalapit sa mga taong may panatag na kalooban. Kaya unahin mo ang sarili mo, bago ang iba. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-11-16-36-38-43.
CANCER (June 21-July 22) - Kung ano ang kapalaran ng mga lagi mong kasama, iyon din ang magiging kapalaran mo. Kaya dumikit ka sa mga masuwerteng nilalang upang suwertehin ka rin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-15-20-31-39-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi uusad ang kapalaran ng mga taong reklamador. Kaya mas mainam na tanggapin mo ang mga pangyayari upang dumagsa sa iyo ang magagandang oportunidad. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-19-25-33-36-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nauubos ang tubig kapag butas ang timba. Hindi makabubuti sa iyo ang sobrang pagiging mabait. Panahon na upang matuto kang tumanggi. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-13-25-27-39-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mawawala ang kaba mo kapag sinimulan mong gawin ang tunay na gusto mo. Ito ang lihim ng kapalaran upang magtuluy-tuloy ang iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-15-20-22-36-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Isang hakbang paatras at dalawang hakbang pasulong, ito ang mabisang susi ng tagumpay. Sa mga paraang ito, malilito ang iyong mga karibal habang ikaw ay tahimik na umaangat. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-11-19-24-28-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pansamantala kang mauungusan ng iyong mga kakumpitensya, ngunit sa huli ay maiiwanan mo rin sila. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-18-26-30-37-43.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tularan mo ang mga negosyanteng nagtitipid sa matumal na panahon. Iwasan mo ang paggastos sa mga bagay na hindi naman kinakailangan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-15-26-32-36-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi masamang magtanong. Ang masama ay kumilos nang walang sapat na kaalaman. Tandaan mo, hindi lakas ng loob ang susi sa magandang buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-12-21-28-35-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hayaan mo lang ang mga kontrabida na gawain ang kanilang gusto. Hindi nila alam, habang ikaw ay kanilang nilalabanan, ang mga suwerte ay kusang dumarating sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-16-23-25-31-45.







Comments