Horoscope | Enero 21, 2025 (Martes)
- BULGAR
- Jan 21
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Jan. 21, 2025

Sa may kaarawan ngayong Enero 21, 2025 (Martes): Hindi ka mabibigo ngayon sa iyong mga pangarap. Ito ang mensahe ng iyong kapanganakan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit na marami kang ginagawa, ituloy mo pa rin ang mga bagay na may kaugnayan sa iyong ambisyon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-19-24-38-42-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magpatulong ka sa mga taong mas nakakataas. Hindi masama ang humihingi ng tulong, ang masama ay ang humingi ng tulong kahit na sa totoo lang ay kayang-kaya mo naman talaga. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-9-11-21-28-33-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Iwasan mong lumapit nang lumapit sa mga bagay na alam mo namang hindi swak sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-17-22-34-39-40.
CANCER (June 21-July 22) - Marami kang matututunan sa mga taong nagtagumpay na. Ang kailangan mo lang gawin ngayon ay makipagkuwentuhan sa kanila. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-16-20-27-35-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Sa panahon ngayon, papataas ka nang papataas. Gayunman, ‘wag mong kakalimutan na ang matataas na hindi nakasayad ang paa sa lupa ay mahina at mas madaling bumabagsak. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-13-19-28-37-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kahit nag-aalinlangan ka, gawin mo pa rin ang nabuo mong plano. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-17-19-29-32-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang makisali sa mga taong walang diskarte. Kapag umiwas ka sa gulo, mas marami kang suwerte at magagandang kapalaran na makukuha ngayong papalapit na Chinese New Year. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-15-22-28-39-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Balikan mo ang mga araw kung saan ay makakakuha ka ng kaalaman. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-11-24-33-40-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakakatuwa ang mga magaganap sa iyong harapan. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-18-21-23-39-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Papaboran ka ngayon ng langit. Para mapatunayan mo na ito ay totoo, subukan mong humiling ng kahit na ano. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-17-22-29-33-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Muling babalik ang mga pangyayaring nakalimutan mo na. Ito ang mensahe sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-12-16-26-30-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sumugod ka nang may positibong kaisipan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-18-20-25-31-44.
Comments