top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Horoscope | Enero 21, 2021 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 21, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 21, 2021



Sa may kaarawan ngayong Enero 21, 2021 (Huwebes): Papaangat ka nang papaangat hanggang sa maabot mo ang pinakamataas. Ang huwag mong kalilimutan ay ang payo na dapat nakasayad sa lupa ang mga paa mo at matuto kang maging mapagkumbaba.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong itapon ang iyong pangarap, lalo na ang iyong malalaking ambisyon. May mga mararanasang sa biglang tingin ay hindi gaanong kagandahang pangyayari kaya balewalain mo lang. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-15-17-18-21.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mababaw ang ilog na maingay. Ganundin sa tao, nagkukunwari lang na may alam ang panay ang kuwento na hindi ka na makasingit. Huwag kang bumilib sa kanya nang hindi ka madaya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-16-20-21-22-25.


GEMINI (May 21-June 20) - Kaunting salita, maraming gawa. Ganito mo harapin ang mga araw sa kasalukuyang taon. Sa ganitong paraan, mapabibilis ang iyong pag-asenso. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-23-28-30-33-36-42.

CANCER (June 21-July 22) - Hayaan mo lang na gabayan ka ng isang mas maraming karanasan kaysa sa iyo. Huwag mong isipin na ikaw ay kanyang pinangungunahan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-17-29-38-39-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong pilitin ang ayaw sumunod sa iyo. Siya ang mawawalan at hindi ikaw. Ang maniniwala sa iyo ay mapabubuti ang kalagayan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-12-26-34-40-44.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bibigyan ka ngayon ng kaluwagan ng langit. Kaya samantalahin mo ang pagkakataong ito sa pagpapaunlad ng buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-3-14-28-32-34-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Maniwala ka sa iyong nakikita. Ito ang mabisang panlaban mo sa iyong hinala. Ang hinala ay imbento lang ng negatibong kaisipan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-21-28-37-40-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumakapit sa patalim ang nagigipit. Huwag mo itong samantalahin dahil sa huli, babawian ka ng langit. Mas magandang tumulong ka nang may malinis at wagas ang iyong kalooban. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-18-20-26-35-37.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dito sa mundo, mayroon bang namatay na nabubuhay? Oo, mayroon at ito ay ang tunay na pag-ibig, kaya ihanda mo ang iyong sarili sa matamis na pakikipagbalikan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-22-24-30-35-43-46.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi ka kapos sa kakayahang mapaunlad ang iyong sarili. Ngayon mo na simulang paghandaan ang iyong kinabukasan para sa masagana at masarap na buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-28-30-32-36-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumitaw ang tunay na ugali ng isang mapagkunwari. Maghintay ka lang at mabibisto mo ang nag-aakalang ikaw ay kanyang maiisahan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-13-16-24-39-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bumabagsak ang mapagmataas, umaangat naman ang nagpapakababa. Saan ka rito? Siyempre, dapat sa huli ka. Ito ang sikreto ng kapalaran mo para sa ganap mong pag-asenso. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-10-15-29-33-35.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page