Horoscope | Enero 20, 2025 (Martes)
- BULGAR

- 7 days ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | January 20, 2026

Sa may kaarawan ngayong Enero 20, 2025 (Martes): Lagi kang sinusubaybayan ng langit, kaya hindi mananaig ang iyong mga lantad at lihim na kaaway.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bawat bagay sa mundo ay may kani-kanyang araw. Ang araw na ito ay masuwerte mong araw para sa pagkakawanggawa sa mga kapus-palad. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-10-14-24-33-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Buksan mo ang sarili mo sa mga bagong pakikipagsapalaran, kung saan ay mailalabas mo ang tunay na galing at husay mo. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-3-12-20-29-36-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Babagal ang ikot ng iyong mundo dahil magpopokus ka sa gumugulo sa iyong damdamin. Ngunit hindi ito ang dapat mong pag-ukulan, bagkus ituloy mo lang ang pagpapalago ng iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-19-23-26-39-42.
CANCER (June 21-July 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Nagbalik na ang araw kung kailan muli kang pagbibigyan ng langit sa iyong mga kahilingan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-17-21-27-32-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kung alam mong madamot ka, huwag ka munang magdamot ngayon. At kung alam mong hindi ka madamot, magdamot ka naman ngayon. Ito ang utos ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-16-28-31-34-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mamahinga ka muna para ‘di na tuluyang humina ang iyong resistensya. Magpalakas ka dahil kailangan mong ipagpatuloy ang iyong mga pagsisikap. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-15-25-29-33-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi mo kailangan ang ibang tao at kahit sino. Sapat ang mga katangian mo para maganda mo ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-19-21-26-37-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kapag sobra, magbawas ka. Mapapansin na sobra ang iyong paggastos ngayon. Sa huli ay mangangailangan ka, pero wala kang maaasahan sa mga akala mong kaibigan na tutulong sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-13-18-22-38-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi masama kung hihingi ka ng payo sa mga mas mababa ang ranggo kesa sa iyo. Ang totoo, maraming magagandang ideya mula sa kanila, kaya lang hindi nila iyon kayang isakatuparan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-17-24-28-34-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi ka puwedeng magpadalus-dalos ngayon. Mag-isip ka muna, dahil ang pagsisisi ay mas madalas na nangyayari sa mabilis na pagpapasya. Ito ang paalala ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-10-23-29-32-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Damdamin ang pairalin mo ngayon. Huwag kang makikinig kahit pa tama at makakabuti ang payo nila para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-16-27-35-39-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakita ng langit na pinanghihinaan ka ng loob, kaya nagpasya Siyang alalayan at pagkakalooban ka ng mga biyaya hanggang sa magkaroon ka ng tiwala sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-15-20-25-36-42.






Comments