top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Enero 20, 2023 (Biyernes)

BULGAR
Jan 20, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 20, 2023


Sa may kaarawan ngayong Enero 20, 2023 (Biyernes): Suwerte ka sa kabuhayan at buhay pag-ibig dahil kusang inaayos ng langit ang lahat para sa iyo. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong kaligtaan na kailangang makibahagi sa pagbuo ng mga desisyon mo ang iyong mahal nang sa gayun ay mas maganda ang magiging resulta. Tandaan mo na hindi puwedeng ikaw lang. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-10-14-20-25-33

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mababa ang mga luha mo at madali kang maaawa ngayon. Lumayo ka sa mga paladaing dahil ang mga ito ay daing lang nang daing at walang sapat na basehan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-14-18-23-36-40.

GEMINI (May 21-June 20) - Kung ikaw lang mag-isa, sasaya ka. Pero ang tunay na ligaya ay kapag magkasama kayo ng mahal mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-19-26-27-38-41.

CANCER (June 21-July 22) - Tinatandaan ang mga natutunang aral sa buhay, ngunit hindi rin kinakalimutan ang mga kabiguan. Ito ang kambal na susi upang makamit ang matagumpay na buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-20-21-27-28-34.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ngayon ang panahon kung kailan mas magandang tutukan at bigyan ng oras ang mga mahal mo sa buhay. Ngayon din ang pagsasaayos ng mga hindi pagkakaunawaan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-20-22-27-29-36.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung hindi mo malaman kung ano ang nararapat mong gawin, sumunod ka sa mahal mo dahil siya ang nakakaalam kung ano ang mabuti sa iyo. Ito ang pinakatama para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-18-22-25-30-31.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Narinig ng langit ang iyong daing, kaya ito ang araw na may darating at hahanguin ka niya sa malalim na kalungkutan. Papasukin mo siya sa iyong buhay, dahil saya, sarap at lambing ang ipagkakaloob niya sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-17-21-24-26-36.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Samantalahin mo ang araw na ito dahil maliwanag ang iyong isipan upang magabayan ka ng iyong sarili sa pinakamaganda para sa iyo. Tandaan, sa pagdedesisyon, huwag mong balewalain ang mga mahal mo sa buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-10-14-15-29-30.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mahina ang damdamin mo ngayon. Madali kang maaawa kahit sa mga taong pauli-ulit na nananamantala sa kabutihan mo. Ito ang babala sa iyo sa araw na ito. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-19-21-25-29-34.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sundin mo ang iyong damdamin ngayon kahit ang isip mo ay nakakontra. Dahil ang kaligayahan ay bunga ng pagsunod sa damdamin at hindi sa dikta ng isip. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-22-27-30-31-33.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Limitahan mo ang mga aktibidad mo sa paglalakwatsa. Itutok mo ang iyong oras sa pagpapaganda ng relasyon sa mga mahal mo sa buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-10-17-28-30-36.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magsisimula na ang pagganda ng buhay mo. Dadalawin ka ng suwerte at magagandang kapalaran. Magpaganda ka, gayundin ang iyong bahay upang ang suwerteng dadalaw sa iyo ay manatili sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-10-15-27-30-40.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page