top of page

Horoscope | Enero 2, 2026 (Lunes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | February 2, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Enero 2, 2026 (Lunes): Huwag kang magsasawang tumulong sa iyong kapwa, dahil hindi rin nagsasawa ang langit na pagkalooban ka ng suwerte at magandang buhay.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ididikit ka ng iyong kapalaran, kung saan matatagpuan mo ang kapahingahan dahil nakita ng langit na masyado kang tutok na tutok sa kung paano mo mas mapapaangat ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-10-11-14-25-39.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi makabubuti sa iyo ang magsayang ng lakas at isip sa isang bagay na alam mo namang imposibleng mangyari. Mas maganda kung ipapaubaya mo na lamang sa langit ang mga magaganap. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-12-23-33-37-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Nakakapagod magsaya, kaya nga marami ang naghahanap ng bagong pakikipagsapalaran, pero hindi ipinapayo sa iyo na tumulad ka sa kanila. Magpahinga ka muna. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-9-13-22-38-43.


CANCER (June 21-July 22) - Sa panahong ito ng iyong buhay, inuutusan ka ng langit na mangarap at kumilos, dahil ginarantiya ng langit na ang lahat ng iyong mga pangarap ay makakatotoo at matutupad na. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-16-20-28-34-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Mawawala ang galit mo kahit gaano pa ito katindi. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-17-19-27-35-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi mahalaga kung tama ba ang katuwiran, dahil ang mas magandang pahalagahan ay kung sino ba ang iyong kaharap. Kung siya ay mahalaga para sa iyo, pahalagahan mo ang kanilang kahilingan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-10-14-28-30-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Napansin mo ba na papalamig nang papalamig ang panahon? Kapag malamig ang simoy ng hangin, ang magagandang kapalaran ay magdaratingan sa iyo. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-5-12-24-29-33-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong baguhin ang gusto mong negosyo dahil lamang may nakita kang negosyo na sa tingin mo ay maganda. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-15-20-26-34-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mag-isip ka ng bagong paraan upang sumaya ang mga nasa paligid mo, dahil tama ang nasa isip mo na nakakabagot at nakakatamad ang araw-araw na takbo ng buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-18-22-35-38-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magsisimula na namang maglitawan ang mga bituin sa maliwanag at aliwalas na kalangitan, at magsisimula na rin na suwertehin ka ngayon. Kaya humiling ka at ito ay bibigyang katuparan ng mga shooting stars. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-16-25-30-39-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nagsisimula ang lahat sa una. Ngayon na nagkaroon ka na ng una, umasa ka at tiyak na magdaratingan na sa buhay mo ang marami pang kasunod nito. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-5-14-18-22-31-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung sino ang kilala mo na, sa kanya ka magtiwala. Mag-ingat ka sa paglapit sa mga hindi mo naman talaga kakilala na nagkukunwaring mabuti sa iyo. Muli, mag-ingat ka! Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-7-16-23-37-40.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page