top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Horoscope | Enero 2, 2021 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 2, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 2, 2021



Sa may kaarawan ngayong Enero 2, 2021 (Sabado): Higit kaninuman, mas marami kang dapat ipagpasalamat sa iyong kapalaran ngayong 2021 dahil kahit may mga pagkukulang ka, mas masuwerte ka sa iba.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kumilos ka na parang wala kang problema at magugulat ka dahil ang mga problema mo, gaanuman kabigat ay kusang malulutas. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-11-17-19-20-24.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sa Bagong Taong ito, magdaratingan sa buhay mo ang maraming bukas na may marami ring magagandang oportunidad na lalagay sa iyong harapan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-20-25-39-40-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Dagdag-saya ang darating sa iyo sa ilang araw pang susunod ngayong 2021. Ito’y masayang balita para sa paglago ng iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-10-14-29-30-33.


CANCER (June 21-July 22) - Pahinga ang iyong kailangan. Namamahinga ang tao kapag siya ay pagod, pero namamahinga rin dahil siya ay mapapalaban. Maghanda ka sa pagdating ng malalaking suwerte. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-19-20-26-34-39.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kapag umabot na sa pinakamataas, ang kasunod ay pagbaba. Maghinay-hinay ka, huwag mong sikapin na sumobra ang taas mo. Bakit? Dahil bababa ang kalagayan mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-16-22-28-35-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nagiging una ang pangalawa at ito ay nangyayari sa hindi mainipin at may positibong pananaw na dapat mong isabuhay sa araw na ito. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-21-27-32-36-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magbubunga ang mga ginawa mong preparasyon sa mga pangarap mo. May espesyal din itong ibubunga na nagsasabing ang pinaghirapan ng iba ay sa iyo pa rin mapupunta. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-24-25-34-44-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Negatibong katangian ang pagiging mabagal ayon sa marami, pero ang nakagugulat ay ikaw na mabagal ay tatanggap ng magandang kapalaran mula sa langit. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-13-17-26-39-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumukuha ng malakas na buwelo ang mga suwerte mo at sa kanilang muling pagpapakita ng lakas, susuko ang mga lihim na naghangad na ikaw ay mabigo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-17-20-23-38-43.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nagbabalik ang umalis. Ang binalikan, kahit hindi naghintay ay magigising sa katotohanan na hindi pala puwedeng dayain ang sarili. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-18-26-28-30-33.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Masaya mong balikan ang iyong nakaraan. Kahit ang mga pagkakamali mo ay masaya mo pa ring tanggapin nang sa gayun, ang mga ngiti sa labi mo ay maging pampabuwenas mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-11-15-29-31-37.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hinahanap ka ng mga suwerte mo sa buhay mula noon at hindi ka matagpuan dahil nasa ibang kandungan ka. Ibig sabihin, sa maniwala ka o hindi, iba ang iyong napuntahan. Ngunit ngayong taon, magtatagpo na kayo ng iyong suwerte. Maraming magagandang kapalaran ang mangyayari sa buhay mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-16-25-30-39-43.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page