top of page

Horoscope | Enero 19, 2026 (Lunes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 21 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | January 19, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Enero 19, 2026 (Lunes): Kabilang ka sa mapapalad na nilalang. Ang mga suwerte ay darating sa buhay mo. Pero kailangan mo pa ring magsumikap upang hindi ka matawag na tamad.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Dagdag-suwerte ang mapapasaiyo kapag kumilos ka nang masaya. Kaya kahit pa may lihim kang lungkot, maganda pa rin na ikaw ay maging masaya. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-12-28-30-34-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka dapat magpatalo sa mga negatibong sinasabi ng mga malalapit sa iyo. Higit kaninuman, ikaw ang may hawak ng sarili mong buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-11-24-33-35-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Hindi naman nawawala ang sikat ng haring araw, bagkus natatakpan lang ito ng mga ulap. Pagkatapos ng iyong pinagdaraanan sa ngayon, ang buhay mo ay magkakaroon na ng kasaganaan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-14-20-29-31-44.


CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang manamlay dahil lang sa hindi mo nakuha ang gusto mo. Mapapatunayan sa buhay mo na ang langit ang higit na nakaaalam kung ano ang mabuti at maganda para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-13-22-30-36-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Susuwertehin ka ngayon at sa darating pang mga araw. Alam mo kung sino naman ang mamalasin? Sino pa nga ba, eh ‘di ‘yung mga lihim at lantad mong kaaway! Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-10-18-27-34-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nanalo ang masaya. Kaya masaya ka ba ngayon? Kung oo, makipagsapalaran ka na! Pero kung malungkot ka ngayon, alisin mo muna iyan, dahil dito sa mundo, ang malungkot ang laging naaagrabyado. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-15-24-32-39-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Simple lang ang ang susi para ika’y suwertehin, ito ay nagsasabing iangat mo ang ulo mo, kumilos at lumakad ka nang may tiwala sa sarili. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-16-28-33-35-44.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maganda ang panay trabaho dahil puwede siyang makaipon para sa kinabukasan. Ngunit ang kapalaran mo ay kakaiba, kahit hindi ka magtrabaho, darating pa rin sa iyo ang suwerte. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-10-17-25-34-43.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pag-aralan mo ang mga mungkahing ibinibigay sa iyo ng iyong mga kaibigan at kasama. Alamin mo kung may nakatagong ‘di magandang motibo, sa ganitong paraan, masasala mo ang mga ito. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto–8-18-20-25-37-45.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hinahanap-hanap ang masasayang karanasan. Pero ‘di maiwasang balik-balikan ang mga kabiguan. Wala nang mas maganda pa kundi kumuha ng aral sa mga ito. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-4-19-21-30-33-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ikaw ang nag-alis, ikaw rin ang magbabalik. Bago mo pabalikin ang isang naging bahagi ng buhay mo, suriin mo munang mabuti kung nagbago na ba siya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-14-25-27-32-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kahit wala kang gawing anuman, hindi na magbabago ang pasya ng langit, mangyayari’t mangyayari pa rin ang naggagandang kapalaran na guguhit sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-13-26-31-36-40.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page