Horoscope | Enero 18, 2026 (Linggo)
- BULGAR

- 2 days ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | January 18, 2026

Sa may kaarawan ngayong Enero 18, 2026 (Linggo): Makakamit mo na ang malalaking ambisyon. Kaya huwag kang susuko sa mga hamon ng iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Masuwerte ka sa mga araw na ito. Alam mo kung sino naman ang mamalasin? Sino pa nga ba, eh ‘di ‘yung mga kontrabida sa buhay mo! Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-17-24-30-33-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka mabibigo ngayon, dahil langit mismo ang magpapadala ng mga taong aalalay sa iyo at magsasakripisyo para matupad ang mga kagustuhan mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-11-13-23-34-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Aakalain mong hindi mo kaya ang iyong mga nais gawin. Ang kailangan mo ngayon ay dagdag na pahinga at maiiksing pagsasaya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-12-20-25-35-40.
CANCER (June 21-July 22) - Ipakita mo ang paninindigan mo sa harap ng mga sumasalungat sa iyo. Makikita mo, sa huli ay makikiisa sila sa iyo at ang iba ay labis na hahanga sa paninindigan mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-6-16-18-29-32-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Lalakas ang loob mo at tatapang ka dahil makikita mong gumagaan na ang buhay mo. Gayunpaman, ang payo’y nagsasabing ‘di dapat magbago ang kasalukuyan mong ginagawa. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-19-28-30-37-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi ka dapat matangay ng mga negatibong pananaw ng mga nasa paligid mo dahil masasayang at mababalewala lamang ang magandang pagkakataong nasa harapan mo ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-14-21-33-39-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sapat na ang nakaraan mo para maging inspirasyon mo ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-17-23-27-35-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang magtiwala sa kahit na sino. Mas mabuting balikan mo ang nakaraan na ikaw ay nagtiwala, ngunit sa huli ay napahamak ka lamang at labis na nasaktan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-17-25-30-37-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Talasan mo ang iyong pakiramdam. Isang munting suwerte ang mapapasaiyo, at ito ay masusundan pa nang masusundan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-18-26-28-34-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Aakalain mong hindi mo kakayanin ang pagsubok na nasa harapan mo. Pero kapag hindi mo ito inatrasan, mamamangha ka mismo dahil ito ay iyong malalagpasan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-15-28-35-37-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ingatan mong huwag lumabis ang tiwala mo sa iyong sarili. Kahit kailan, ang anumang sobra ay hindi maganda at minsan pa nga ay sanhi ng masasakit na kabiguan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-12-20-24-31-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ipakita mo ngayon ang iyong tapang. Makakaasa ka na makatatanggap ka ng premyo mula sa langit. Ang premyong mapapasaiyo ay isang napakalaking suwerte na labis mong ikatutuwa. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-11-21-29-36-40.







Comments