Horoscope | Enero 18, 2021 (Lunes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 18, 2021
Sa may kaarawan ngayong Enero 18, 2021 (Lunes): Paulit-ulit kang bibigyan ng pagkakataong yumaman. Ang nakasulat sa sikreto ng iyong kapalaran ay gusto ng langit na maabot mo ang mga ambisyon mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kapag dumating ang espesyal na araw ng isang tao, ang payo ay hilingin na niya ang kanyang espesyal na kahilingan sa langit. Hiling na. Ngayon ay espesyal ka sa mga mata ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-19-20-24-39-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lakas lang ng loob ang iyong kailangan ngayon para magtuluy-tuloy ang papaunlad mong buhay. Huwag ka nang mag-alinlangan pa. Lakasan mo ang iyong loob. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-21-25-26-37-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Patangay ka lang sa mabibilis na agos ng iyong buhay kahit hindi mo gaanong makuha ang dahilan kaya nangyayari ang lahat. Makakaasa ka na mas gaganda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-14-27-30-33-35.
CANCER (June 21-July 22) - Dumating na ang mga araw kung kailan dapat mong tutukan ang tungkol sa pagkakaroon ng mga materyal na bagay. Hindi ka mabibigo dahil papaboran ka ng langit. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-10-12-20-28-41-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Sa iyo, palaging hindi pa huli ang lahat ng bagay dahil palagi ring nakaagapay sa iyo ang langit. Gayunman, pahalagahan at unahin mo ang para sa mga mahal mo sa buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-22-26-29-34-37.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong pilitin ang ayaw makibahagi sa mga plano mo. Magsisisi sila dahil makikita ng mga mata nila na ang mga nakiayon sa kagustuhan mo ay sinusuwerte sa buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-17-21-28-33-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi na ibabalik ang nakaraan para isaayos ang mga mali. Pero ang hinaharap ay puwedeng ayusin na sa kasalukuyan, ngayon mo na ituwid ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-20-21-25-26-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ito ang araw na papabor sa iyo, hindi lang ang mga tao sa paligid mo kundi maging ang mga pangyayari. Gawin mo na ang mga hindi mo nagawa sa nakaraan dahil ikaw ay naduwag. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-20-23-24-29-30.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ituloy mo ang paghahanda para sa nalalapit na gastusan kung saan obligado kang pasayahin ang maraming tao. Hindi ka puwedeng magkunwaring walang-wala. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-13-19-21-27-28-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mahina ka, kaya makisakay ka sa malalakas kung saan makakabahagi ka sa mga grasyang mapasasakanila dahil sa tapang at kanilang pakikipagsapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-14-18-20-22-26.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kikilos ka nang hindi gaanong pinag-isipan. Ang masuwerteng balita ay nagsasabing papalarin ka kapag madalas mong sinunod ang bugso ng iyong damdamin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-18-22-29-30-36.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang araw na may mga kokontra sa kagustuhan mo, pero nang ituloy mo ay nagsiayon silang lahat dahil nakita nilang hawak mo pala ang sikreto ng maunlad na buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-15-18-26-33.




Comments