top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Enero 17, 2023 (Martes)

BULGAR
Jan 17, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 17, 2023


Sa may kaarawan ngayong Enero 17, 2023 (Martes): Yayaman ka. Ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang na uunlad ang iyong kabuhayan. Ang mga kalaban mo ay susuko sa iyo at ang lahat ng ito ay magsisimula ngayon.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muling pagagaanin ng langit ang iyong buhay, kaya magdaratingan sa iyo ang mas marami at mas malalaking suwerte. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-20-24-29-30-31.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kahit sa pananahimik, ituloy mo ang iyong laban. Ang mahalaga, alam mong harapin sila sa ibang araw. Muli, ituloy mo ang iyong laban. Ito ang mensahe sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-9-17-18-20-24-32.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong harapin nang mukhaan ang iyong mga kaaway. Mas makabubuti na magkunwari kang mahina at sila ay malalakas. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-10-15-25-34-25.

CANCER (June 21-July 22) - Susurpresahin ka ngayon ng langit. Ikaw mismo at ang mga nasa paligid mo ay hindi makakapaniwala at tiyak na mamamangha ka. Ito ang mensahe ng kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-6-18-21-25-27-29.

LEO (July 23-Aug. 22) - Malakas ka kaya ang mahihina ay pumupunta sa iyo. Huwag mo silang layuan kahit naiirita ka dahil sa kahinaan nila, ikaw ay lalong lumalakas. Ito ang mensahe sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-11-14-15-22-27-36.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ipahiram mo ang iyong magagandang ideya. Huwag mong ipagdamot ang mga ito dahil sa totoo lang, hindi ka naman nauubusan ng kakaiba at magagandang ideya. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-16-17-23-24-34.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Malaki ang maitutulong mo sa mga nawawalan ng pag-asa. Hindi materyal na bagay ang puwede mong ibigay sa kanila kundi ang pagiging simpleng masayahin. Ikaw ay sapat na para sila ay sumigla at lumigaya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-13-14-21-30-39.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ngayon ang araw na kailangang maipakita mo sa langit na haharapin mo ang mga hamon ng iyong kapalaran. Huwag kang matakot, langit mismo ang papanig sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-17-20-25-32-37-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Unahin mo ang sa iyo. Huwag kang matukso na unahin ang iba. Kapag matatag ka na, saka mo sila balikan. Ito ang mensahe sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-16-22-28-35-38-40.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Iyong-iyo ang araw na ito. Huwag mong pansinin ang pakiramdam mo na hindi aayon sa iyong mga plano ang mga pangyayari. Ito ang payo sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-11-14-28-31-39.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ka puwedeng magkamali dahil sa pagkakamali mo, masasaktan ang iba. Pag-aralan mong mabuti ang bawat ikikilos mo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-12-27-33-38-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Wala kang dapat ipag-alala. Sarili mo lang ang kalaban mo dahil inaakala mong hindi mo kaya ang mga problema. Mali ka dahil tiyak na ang mga ito ay iyong makakaya. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-16-20-25-28-42.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page