Horoscope | Enero 16, 2023 (Lunes)
- BULGAR
- Jan 16, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 16, 2023
Sa may kaarawan ngayong Enero 16, 2023 (Lunes): Paulit-ulit kang susurpresahin ng kapalaran, kung saan ang magagandang bagay na nasa malayong lugar ay magdaratingan na sa iyo. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Minsan, kailangan mong pumunta sa mga lugar na hindi mo pa nararating. Sa ganitong paraan, mananariwa ang iyong kapalaran. Ito ang paalala sa iyo ng langit ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-10-14-20-24-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong pagdamutan ang iyong sarili dahil ang taong nagdadamot sa sarili ay madaling dapuan ang karamdaman. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-17-23-28-35-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi makabubuti sa iyo ang maging marahan. Sa halip, bilis ng kilos ang iyong kailangan nang hindi makalagpas ang mga suwerte at oportunidad na dumarating sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-10-14-25-33-35.
CANCER (June 21-July 22) - Lihim kang tumawa kapag dinaya ka ng iyong kapwa dahil langit mismo ang magbabalik ng nawala sa iyo at ito ay doble pa kaysa sa dati. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-11-14-24-28-35.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong guluhin ang isip mo. Gawin mong panuntunan ang sinasabi na kung ano ang tama, ‘yun ang tama at kung ano ang mali, ‘yun ang mali. Ito ang paalala sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-16-25-27-37-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi maganda na layuan ang wala. Mas mabuti na ang wala ay bigyan. Ito ang banal na utos na magbibigay sa iyo ng malalaking buwenas at magagandang kapalaran sa susunod na mga araw. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-6-17-18-20-22-24.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Napapahamak ang mapangahas. Bago ka kumilos, isipin mo ang puwedeng maging resulta kung makakabuti ba ito sa iyo o hindi. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-19-26-35-39-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pag-aralan mo ang iyong nakaraan. Kung paano ka sinuwerte nang minsan, ‘yun din ang magbibigay sa iyo ng suwerte na kailangang-kailangan mo ngayon. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-10-15-25-30-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kailangang magpatuloy ang iyong sigla, kaya kailangan mo ng inspirasyon. Gawin mong inspirasyon ang ambisyon mong yumaman at magkaroon ng mga ari-arian, na nakatakda sa kapalaran mo sa susunod na mga panahon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-18-21-28-34-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Masyadong mayaman ngayon ang iyong imahinasyon. Mag-ingat ka dahil posibleng nasa tama ka na, pero mapupunta ka pa sa mali. Tandaan, ang hindi makatotohanan ay lisya at ligaw. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-17-22-26-33-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sa panahong ito, laliman mo pa ang iyong pag-iisip at pagninilay. Kapag tama ka ng pasya, ito ang pagkakataong makakaahon ka sa kalungkutan at tuloy-tuloy ka nang lilgaya at magtatagumpay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-19-25-32-34-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Iyong-iyo ang araw na ito. Kung ano ang gusto mo, gawin mo. Ang sinumang magtangka na humadlang sa iyong mga gustong gawin ay makakalaban ng langit. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-11-16-28-38-42.




Comments