Horoscope | Enero 16, 2021 (Sabado)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 16, 2021
Sa may kaarawan ngayong Enero 16, 2021 (Sabado): Oo, may suwerte ka kahit nasa sariling bayan ka lang, pero ang malalaking suwerte mo ay nasa malalayong lugar. Mag-abroad ka!
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gamitin mo ngayon ang iyong imahinasyon upang mas gumanda ang kita mo. Malaki pa ang iaangat ng kabuhayan sa tulong ng iyong malikhaing kaisipan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-21-22-30-32-36.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nangyayari ang hindi inaasahan. Akala ng mga naghahangad na mabigo at hindi na gaganda ang takbo ng kapalaran mo, pero ang kapalaran pala nila ngayon ang nagsipangit. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-29-34-38-40-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Nagbababala ang araw na ito na puwede kang maligaw kung saan ang tinutukan mo ay nawawala sa isip mo at aagawin ng ibang bagay na wala kang mapapala kundi pagsasaya lang. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-20-23-38-40-41.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang makialam sa sigalot na alam mong mahirap malutas. Mas maganda na gawin mong abala ang sarili mo sa pagpapaganda pa ng iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-21-26-27-38-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi nakukuha nang sabay-sabay ang mga bagay na gustung-gusto mo. Makuha mo man, mahina ang kapit at puwedeng mawala ang lahat. Ito ang mensahe ng kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-22-24-26-33-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hinahon ang kailangan mo at hindi init ng ulo. Nakokontrol ang mga pangyayari sa mahinahong paraan. Sa galit, ang pangyayari ay lumalala lamang. Ito ang paalala para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-7-10-16-28-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magsasayang ka lang ng oras sa ayaw naman sa iyo. Masaklap na kabiguan at kalungkutan ang mapapala sa namimilit at makukulit. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-19-20-25-27-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ganap mong kalimutan ang nakaraan. Mahirap man, kailangan mo pa rin itong gawin dahil ito ang tunay na susi ng pagkakaroon ng bagong kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-22-26-37-39-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kapag nagdidilig, ang halaman ay lumalago. Diligan mo ng sipag at tiyaga ang negosyong nagbibigay sa iyo ng kabuhayan. Huwag na huwag mo itong pababayaan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-25-27-31-37-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nagbabalik ang mga araw kung kailan mabilis na nagdaratingan ang mga suwerte mo sa buhay. Dapat mabilis ka ring magpasya at ibalik mo ang lakas ng loob mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-13-16-17-24-28-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Naghihiganti ang mahihina, pero ang malalakas ay minamahal ang mga kaaway. Mahalin mo ang kaaway mo na mahirap mang gawin, gawin mo dahil ito ang magpapalakas sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-22-29-31-39-40-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sundin mo ang sarili mo kahit pa sa totoo lang, wala kang gaanong tiwala sa sarili mo. Gawin mo at makakaasa ka na simula ngayon, magkakaroon ka ng kumpiyansa sa sarili mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-14-15-23-26-40.




Comments