Horoscope | Enero 15, 2021 (Biyernes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 15, 2021
Sa may kaarawan ngayong Enero 15, 2021 (Biyernes): Nakabukas palagi ang pintuan ng grasya sa langit para sa iyo. Dahil mahirap nga lang paniwalaan, pero higit kang mahal ng nasa itaas kaysa iba.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Patuloy sa pagganda ang takbo ng iyong kapalaran kahit pa nakararanas ka ng mga pag-atras ng kabuhayan. Ito ang katotohanan tungkol sa buhay mo sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-19-20-23-27-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ganito ang sabi, “Ang nahulog na kanin ay para sa mga alagang hayop sa bahay.” Ibig sabihin, huwag mong ikalungkot ang ilang mawawala sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-12-21-27-30-35-38.
GEMINI (May 21-June 20) - Maaakit ka sa magaganda sa tingin, pero walang masamang epekto para sa iyo. Ang totoo nga, ang mga ito ay lalo pang magpapasigla sa iyo para mas lalo kang magsigasig. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-17-20-25-39-40.
CANCER (June 21-July 22) - Kakaiba ngayon ang iyong karisma. Gamitin mo ito para ikaw ay makinabang. Huwag mong aksayahin sa ibang bagay na wala ka namang mapapalang anuman. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-26-31-36-46-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kasing lakas ng personalidad mo ang iyong makakaharap. Kung magpapasya ka na pagsanibin ang puwersa n’yo, iisa lang ang kauuwian at ito ay malalaking tagumpay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-23-25-34-36-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mararamdaman mo na ikaw ay sisigla kahit pa hindi mo magawang takasan ang iyong nakaugaliang pag-aalinlangan sa mga bagay na puwede mo namang gawin nang mabilis. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-15-27-31-38-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kunin mo na ang gusto mong kunin, kahit ang iyong gusto na akala mong mahihirapan ka. Ang mismong langit ay kakampi mo na aalisin ang mga hadlang sa landas ng buhay mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-11-17-22-26-33.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Muling kikilos ang kapalaran mo kung ikaw ay kikilos. Kaya ang payo ay huwag na huwag kang makuntento sa nasa iyo na. Ang mas maganda ay kumilos ka nang kumilos. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-12-15-27-39-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumuha ka ng inspirasyon sa mga maniniwala sa iyo at huwag mong pag-aksayahan ng panahon ang mga kontrabida na ang gusto lang naman ay ang mabigo ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-10-16-18-22-26-34.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kagalingan ang mapasasaiyo. Ito ay para sa karamdaman at para rin sa mas lalo pang pagganda ng mga ugali at katangian mo na magdadala sa iyo sa malalaking tagumpay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-19-20-25-31-32.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi nauubos ang pagkakataong mapaganda ng tao ang kanyang buhay. Kaya huwag kang tumulad sa mga nawawalan ng pag-asa na sumuko na sa mga hamon ng kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-26-28-30-35-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nasa mataas na antas ngayon ang iyong suwerte. Ibig sabihin, susuwertehin ka kapag nakikipagsapalaran ka. Mas magandang sa larangan ng negosyo ka makipagsapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-11-15-25-34-38.




Comments