Horoscope | Enero 14, 2023 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 14, 2023
Sa may kaarawan ngayong Enero 14, 2023 (Sabado): Mabilis kang yayaman kapag ang karisma mo ay itinutok mo sa negosyo. Nagagamit din ang malakas na karisma para mabilis mong makuha ang isang tao.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi mo kayang iwasan ngayon ang may masayahing personalidad. Ang totoo, may misyon siya sa buhay mo na nagsasabing, kailangan din ng tao na sumaya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-11-16-27-29-30.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ito ang araw na tinugon ng langit ang matagal mo nang panalangin. Anuman ang hilingin mo na galing sa puso, sa panahong ito ng iyong buhay, ito ay tiyak na magkakatotoo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-16-29-30-35-38.
GEMINI (May 21-June 20) - Anumang bagay na sobra ay hindi maganda, kaya iwasan mong masobrahan sa pagsasaya. Dahil ang tao, kapag sobrang masaya ay nakakalimutan ang kanyang paghahanda sa kinabukasan. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-19-21-24-28-34-39.
CANCER (June 21-July 22) - Umiwas ka sa masasayang nilalang dahil mahina ka ngayon at madaling mahuhulog ang loob mo. Ang mga masayahin, sa totoo lang ay hindi seryoso sa buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-22-31-32-37-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Papasayahin ka ngayon ng iyong kapalaran. Ang mabibigat mong pasanin ay pagagaanin. Matapos gumaan ang mga problema, may isang paparating na malaking suwerte sa buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-20-27-30-35-39.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Suwerte ka ngayon. Ang panalo ay para sa iyo, hindi lang sa pakikipagsapalaran kundi sa halos lahat ng larangan na iyong tututukan. Ito ang mensahe ng kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-16-27-28-36-40-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hawak ka ng isang nagpakita sa iyo ng kakaibang pagtingin, hindi ka pa makakawala sa kanya. Mas maganda na maghintay na langit mismo ang kumilos para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-16-20-21-24-36.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Natatangay ka ng pagpapantasya. Mas maganda na maging makatotohanan ka nang mas umayos ang buhay mo. Sa pagpapantasya, libang na libang ang tao sa mga hindi totoo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-20-25-26-36-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano ang nasa unahan, ‘yun ang unahin mo. Hindi maganda na lalagpasan mo ang nasa harapan mo. Sa ganitong paraan, lalong magiging produktibo ang trabaho. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-17-28-30-31-33-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nagbabalikan ang mga inggit na inggit sa iyo. Nasasagap nila na muli kang bubuwenasin. Kaya lang, muli silang mabibigo. Ang araw na ito ay para sa iyo at hindi sa kanila. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-22-26-30-32-35-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Marami ang lihim na mapapaiyak sa iyo. Ayon sa kanila, mahirap kang talian at hindi ka puwedeng ikulong kahit pa palasyo ang iyong kulungan. Ito ang mensahe sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-18-21-29-30-34-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ngayon, ikaw ay makikitang tayo-upo, lakad-balik at hindi ka mapapakali. Ang dahilan ay may darating sa iyong malalaking suwerte. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-10-14-25-39-42.




Comments