Horoscope | Enero 13, 2023 (Biyernes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 13, 2023
Sa may kaarawan ngayong Enero 13, 2023 (Biyernes): Marami ang gagamit sa iyo para sa pansarili nilang layunin dahil sa maniwala ka o hindi, masuwerte sila sa iyo. Mas magandang gamitin mo ang suwerte mo sa iyong sarili.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka dapat madaya ng iba. Para makaiwas ka, ang mas maganda ay piliin mo na ikaw ay mag-isang tinatahak ang landas papunta sa dulo ng iyong tagumpay. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-17-20-22-27-30-31.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Normal ang hindi pagkakaunawaan sa pamilya. Hindi dapat masira ang diskarte mo dahil sa kanila. Makipagkasundo ka o ‘wag mo silang pansinin upang makakuha ka ng mas maraming suwerte. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-18-27-28-37-38.
GEMINI (May 21-June 20) - Mula nang ikaw ay isinilang, kakambal mo na ang suwerte sa pakikipagsapalaran. Ano ang kinakatakot mo ngayon? Kung balak mong makipagsapalaran sa larangan ng pagnenegosyo, gawin mo at tiyak na magtatagumpay ka. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-22-25-28-34-35.
CANCER (June 21-July 22) - Papalakas ang hindi nakikitang puwersa ng buwan. Papalakas din ang iyong mga suwerte. Huwag kang magugulat kapag nakakamangha ang paparating na kapalaran sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-20-24-32-33-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Init ang sandata ng kapalaran na kaloob sa iyo ng Dakilang Manlilikha. Bakit ka manlalamig sa negosyo, pag-ibig at romansa? Mas magandang mag-init ka nang ikaw ay lumigaya, sumigla at yumaman. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-19-21-29-31-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Napakahilig mong makipagtalo. Kahit sa sarili mo ay nakikipagdebate ka. Ang mas mabuti ay kung ano ang maganda sa pakikipagtalo mo sa iyong sarili, ‘yun mismo ang gawin mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-16-26-28-38-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang maganda sa tingin, ‘yun ang piliin mo. Tandaan mo na kapag sumunod ka sa payo na sundin ang mga bagay na kahit hindi maganda ay gugustuhin mo, mabubuhay ka nang malungkot. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-22-27-30-35-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bibigyang-luwag ka ng kapalaran sa iyong mga problema dahil ito ang regalo sa iyo ng langit. Ngayon, anumang pagkakamali mo ay hindi puwedeng maging sanhi ng iyong kalungkutan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-16-24-27-32-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumilos ka na parang ikaw ay mas mataas kaysa sa mga pangkaraniwan. Tiyak na ikaw ay magiging mas mataas sa kanila. Gawin mo at magugulat ka dahil nasa taas ka na. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-12-29-30-31-38-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakakatuwa na nakakapagtaka ang kapalaran mo ngayon dahil kung sino ang sobrang kinaiinisan mo, sila pa ang iyong suwerte sa buhay. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-25-27-35-38-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Tularan mo ang mga ibon na malaya at masayang lumilipad. Hindi ka puwedeng manatili na nabubuhay sa kalungkutan at hindi ka makapagdesisyon sa sarili mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-19-21-23-39-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mag-utos ka at masusunod ka. Ang totoo, mas gusto ng langit na ikaw ang taga-utos dahil hindi ka isinilang na isang alipin o tagasunod lang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-12-20-22-26-27-33.




Comments