Horoscope | Enero 12, 2026 (Lunes)
- BULGAR

- 24 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | January 12, 2026

Sa may kaarawan ngayong Enero 12, 2026 (Lunes): Hindi maiaalis sa iyo ang kaba at pag-aalinlangan, pero ginagarantiya ng araw ng iyong pagsilang na maaabot mo ang iyong pangarap.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Paisa-isa lang ang paghakbang, pero kailangan tuluy-tuloy. Ito ang isang sikreto ng tagumpay na kapag ginawa mo ngayong taon, makakaiwas ka sa mga malalaking kabiguan at pagkalugi. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-19-24-31-38-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang mahiya na humingi ng tulong sa mga taong may alam. Sila rin naman ay walang alam noon, pero tingnan mo sila ngayon, matagumpay na. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-11-17-21-32-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ka dapat malibang sa masasayang kasama mo. Higit kailanman, ngayon mo kailangang tutukan ang pinakamalalaking ambisyon mo sa buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-16-25-30-35-43.
CANCER (June 21-July 22) - Ano ang gagawin mo kapag inilapit ka ng langit sa taong handa kang bigyan ng masarap na buhay? Ano pa nga ba? Eh ‘di tanggapin mo agad! Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-15-23-26-33-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi puwedeng hindi ka makialam sa mga mahihina. Malakas ka ngayon at mas lalakas ka kesa sa pangkaraniwan. Kaya ibahagi mo ito sa mahihina. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-10-12-20-37-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung ano ang malapit sa iyo, siya ang para sa iyo. Kaya ang mga nasa malayo, balewalain mo muna dahil mag-aaksaya ka lang ng oras sa kanila. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-17-22-31-38-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong pakawalan ang pinakikinabangan mo. Ang hayaan mong mawala ay silang mga taong nagpapahirap sa kalooban at damdamin mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-14-16-23-35-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ipanatag mo ang iyong kalooban. May maliliit at malalaking problema, pero kusa rin naman itong magsisilayasan sa buhay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-18-21-27-30-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ang sinumang sumira sa saya at sigla mo, langit mismo ang makakabangga. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-10-15-25-36-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hanapin mo ang daan ng pagkakaunawaan. Dahil kapag matiwasay ang iyong buhay, magtutuluy-tuloy ang pagdating ng malalaking suwerte mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-16-29-32-37-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ito ang araw na hindi ka bibiguin ng langit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-8-15-18-22-30-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kailangan mo munang lumayo. At ang isa sa magandang paraan upang lumayo ay ang pangingibang-bansa. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-13-24-35-39-45.







Comments