Horoscope | Enero 12, 2023 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 12, 2023
Sa may kaarawan ngayong Enero 12, 2023 (Huwebes): Ipanatag mo ang iyong sarili. Kahit may naririnig kang mga intriga, ginagarantiyahan ng iyong kapalaran na anuman ang mangyari, maaabot mo ang iyong mga ambisyon.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iwasan mo na may sumama ang loob dahil sa pagsasalita mo sa iyong mga kaharap. Mas maganda na ikonsidera mo ang kanilang damdamin. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-20-21-24-27-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagdaratingan ang magagandang oportunidad sa buhay mo. Piliin mo ang umaayon sa iyong mga plano. Huwag mong piliin ang maganda sa tingin, ngunit malayo naman ito sa talagang gusto mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-21-25-27-34-38.
GEMINI (May 21-June 20) - Makinig ka muna nang mabuti bago ka magbigay ng opinyon. Hindi maganda ang nakasanayan mo na hindi pa tapos ang nagsasalita, pero sumasagot ka na. Ito ang paalala ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-17-22-28-31-41-42.
CANCER (June 21-July 22) - Pakinggan mo ang iyong damdamin kapag nalilito ka sa pagpili. Bagay man o tao ang iyong piliin, muli, pakinggan mo ang damdamin mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-12-29-30-38-39-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Para sa iyo ang lumalapit at ang lumayo ay para sa iba. Ganito kasimple ang ilagay mo sa iyong isip nang mapanatag ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-16-19-23-34-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gagabayan ka ng sarili mo kung ano ang pinakamagadang puwede mong pagkakitaan. Maliligaw at magkakamali ka kapag ikinonsidera mo ang mga sinasabi ng iba. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-20-26-28-38-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka puwedeng dumikit sa mga wala kang mapapala. Dahil kapag ginawa mo ito, sa halip na buwenasin ka ay tiyak na mamalasin ka pa at mababawasan ang mga hawak mo na. Masuwerteng kulay-old rose. Tips sa lotto-18-22-24-25-36-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dumikit ka sa mga may sinasabi at may ranggo. Malaki ang maitutulong nila sa mga pangarap mo. Handa silang magbigay ng alalay at gabay para gumanda ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-18-21-26-27-35-37.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyong-iyo ang araw na ito. Ang sinumang kumontra sa mga kagustuhan mo ay mababawasan ng suwerte at malilipat sa iyo. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-20-25-26-28-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Paangat nang paangat ang kapalaran mo. Bagama’t paangat ay dahan-dahan lang ito o hindi biglaan nang sa gayun ay hindi lumabis ang tiwala mo sa iyong sarili. Ito ang mensahe ng para sa iyo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-3-8-11-14- 26-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang magpatangay sa mabilis na magpasya. Pag-aralan mo nang mabuti ang sasabihin nila nang sa gayun ay hindi ka malagay sa alanganin at hindi ka magsisi sa huli. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-18-19-21-29-30-32.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sumunod ka at huwag nang umangal sa takbo ng iyong kapalaran. Kung may palaisipan sa isip mo, balewalain mo at makakaasa ka na sa huli ay maganda pa rin ang mangyayari sa buhay mo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-17-22-25-27-35-38.




Comments