Horoscope | Enero 11, 2026 (Linggo)
- BULGAR

- 18 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | January 11, 2026

Sa may kaarawan ngayong Enero 11, 2026 (Linggo): Hindi ka mauubusan ng mga suwerte. Kaya kahit hindi mo gamitin ang magaganda mong katangian, bubuwenasin ka pa rin.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong hanapin sa iba ang iyong mga katangian, dahil mabibigo ka lang. Sa totoo lang, wala kang katulad, kaya kung gugustuhin mo, mapag-iiwanan mo ang mga nasa paligid mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-17-20-29-37-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Marami ang magtataka sa iyo dahil aakalain nilang mabagal ang iyong pag-asenso, pero ang hindi nila alam ay magdaratingan na ang iyong mga suwerte. Masuwerteng kulay-baby pink. Tips sa lotto-4-15-22-25-39-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Kung sino ang taong sinusuwerte, siya rin mismo ang magsisilbi mong pampasuwerte. Mas maganda kung sabay kayong tumatawa para mas buwenasin ka. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-10-14-26-32-40.
CANCER (June 21-July 22) - Patuloy kang yayakapin ng mga suwerte kahit pa nag-aalinlangan ka. Ang mga naranasan mong pagdadamot ng kapalaran ay hindi na mauulit pa. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-13-23-28-38-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mahirap paniwalaan, pero ang suwerte mo ay magmumula sa mga taong mukhang walang-wala. Bigyan mo sila ng saya kahit konti lang. Magugulat ka, malaking suwerte ang dadapo sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-11-25-32-39-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hayaan mo lang ang mga naninira sa iyo at manahimik ka sa harap ng mga inggitera. Sapagkat, ang kondisyon para buwenasin ka ay kailangan munang lumabas ang mga kontrabida sa buhay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-18-27-30-33-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iplano mo ang iyong buhay. Nakamasid sa iyo ang langit at titingnan Niya kung may malinaw kang plano. Ang nakakamangha, ang langit na mismo ang gagawa upang matupad ito. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-6-13-16-24-34-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dito sa lupa, ang nangyari na ay muli pang mangyayari. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-11-20-29-35-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumuha ka ng lakas sa taong nasa tabi mo, at lumayo ka naman sa mga taong nakadepende lang sa iba. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-12-15-21-38-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kahit pa nag-aalinlangan ka, gawin mo pa rin ang sikreto ng iyong kapalaran: alisin mo ang sapin mo sa paa at lumakad ka sa loob ng bahay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-10-13-25-39-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi naman mahirap hanapin ang iyong pampabuwenas. Oo, siya ay nasa malayo, ngunit siya ang laging nagpapasaya sa iyo. Kaya dalasan mo ang pakikipag-ugnayan sa kanya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-14-25-30-38-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Simple lang ang sikreto ng iyong kapalaran. Igalaw-galaw mo lamang ang iyong katawan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-19-23-27-39-43.






Comments